Tulong sa Pagbabayad

Makakuha ng Tulong sa Pagbabayad ng Iyong Bayarin

Ang mga Pinansyal na Tagapayo sa Patient Financial Services Eligibility Department (Departamento para sa Pagiging Karapat-dapat sa mga Pinansyal na Serbisyo sa Pasyente) ay narito para tumulong sa iyo. Matutulungan ka namin na mag-apply para sa aming mga programang pinansyal na tulong na Charity Care at Discount Payment na makakatulong sa iyong bayaran ang iyong bayarin.

Makipag-ugnayan sa amin sa numerong ipinapakita sa ibaba, o magpadala ng mensahe sa pamamagitan ng iyong portal ng pasyente na MyChart.

Tulong sa Pagbabayad Mga Lokasyon

Ang Patient Financial Assistance Department

1001 Potrero Ave.
San Francisco CA 94110

Mga Oras

Lunes: 8:00am - 11:30am, 1:00pm - 4:30pm
Martes: 8:00am - 11:30am, 1:00pm - 4:30pm
Miyerkules: 8:00am - 11:30am, 1:00pm - 4:30pm
Huwebes: 8:00am - 11:30am, 1:00pm - 4:30pm
Biyernes: 8:00am - 11:30am, 1:00pm - 4:30pm

Impormasyon sa Pagiging Karapat-dapat

Upang maging karapat-dapat para sa Programang Charity Care:

  • Ang kita ng sambahayan ng pamilya ng pasyente ay hindi maaaring lumampas ng 500% ng pederal na antas ng kahirapan; at
  • Ang mga kuwalipikadong pag-aari ng pamilya ng pasyente ay hindi dapat lumampas ng $250 sa panahon ng serbisyo.

Upang maging karapat-dapat para sa Programang Discount Payment:

  • Hindi karapat-dapat ang pasyente sa Programang Charity Care
  • Sa pederal na antas ng kahirapan ng sambahayan ng pasyente malalaman ang halaga ng diskwentong ilalapat

 

Paano Mag-apply para sa Pinansyal na Tulong

Ang SFDPH ay may iisang application para sa mga programang Charity Care at Discount Payment. Ang bawat programa ay may iba't ibang kinakailangan sa pagiging karapat-dapat, gaya ng inilalarawan sa ibaba. Kailangang ibigay ng pasyente ang nakumpletong aplikasyon at lahat ng kinakailangang beripikasyon.
  • Kailangan mong magsumite ng kumpletong aplikasyon sa loob ng 12 buwan mula sa petsa kung kailan mo natanggap ang medikal na pangangalaga.
  • Ang beripikasyon na iniaatas ng bawat programa ay kailangang isumite sa loob ng 30 araw ng pagsisimula ng aplikasyon.
  • Maari mong ipadala ang aplikasyon sa sumusunod na address:
    Zuckerberg San Francisco General Hospital
    Ang Patient Financial Assistance Department
    1001 Potrero Ave, Building 20,
    San Francisco, CA 94110

Mga Mapagkukunan para sa Tulong ng Charity Care at Discount Payment

Basahin dito ang tungkol sa mga Patakaran sa Tulong sa Charity Care at Discount Payment ng ospital at i-download ang Aplikasyon.

Hospital Bill Complaint Program (Programa ng Reklamo sa Bayarin sa Ospital)

Ang Hospital Bill Complaint Program (Programa ng Reklamo sa Bayarin sa Ospital) ay isang programa ng estado, na nirerepaso ang mga desisyon ng ospital tungkol sa kung kuwalipikado ka para sa tulong sa pagbabayad ng iyong bayarin sa ospital. Kung naniniwala ka na mali ang pagkakatanggi ng pinansyal na tulong sa iyo, maaari kang magsampa ng reklamo sa Hospital Bill Complaint Program (Programa ng Reklamo sa Bayarin sa Ospital). Pumunta sa HospitalBillComplaintProgram.hcai.ca.gov para sa higit pang impormasyon at upang maghain ng reklamo.

This site is registered on wpml.org as a development site. Switch to a production site key to remove this banner.