Stapedotomy o Stapedectomy

Operasyon sa likod ng tainga para makapunta sa gitnang tainga

Ano ang stapedotomy?

Ang stapedotomy (“stay-pee-DAW-tuh-mee”) ay isang operasyon para mapagalaw ang mga buto para sa pagdinig sa tainga mo.

Kailan inirerekomendang magpaopera?

Kapag mayroon kang pattern ng pagkawala ng pandinig, ibig sabihin, stiff o hindi gumagalaw ang mga buto para sa pandinig. Madalas ay dahil ito sa sakit na otosclerosis.

Ano ang dapat kong asahan sa operasyon?

Madalas ay malalim ang tulog mo sa panahon ng operasyon. Madalas ay ginagawa ang operasyon sa pamamagitan ng pagbubukas sa ear canal, pero kung minsan ay ginagawa rin ito sa pamamagitan ng paghiwa sa likod ng tainga mo kung masyadong maliit ang ear canal. Gumagamit ng laser o drill para gumawa ng maliit na butas sa buto para sa pagdinig, para makapaglagay ng titanium-nickel na prosthesis.

Ano ang mga panganib?

Matagumpay ang operasyon sa karamihan ng mga pasyente (>90%), pero kasama sa panganib ang: Pagkakaroon ng butas sa eardrum, Hindi paglinaw ng pandinig (1 hanggang 2 sa 20), Ganap o hindi ganap na pagkawala ng pandinig (1 hanggang 5 sa 100). Pinsala sa nerve na kumokontrol sa paggalaw ng iyong mukha (1 hanggang 1000). Mga pagbabago sa panlasa. Pagkakaroon ng cholesteatoma (na-trap na balat sa loob ng iyong tainga) na kailangang operahan para maalis

Ano ang dapat kong asahan pagkatapos ng operasyon?

Malamang ay pauwiin ka rin sa mismong araw rin ng operasyon mo. Lalagyan ka ng bendahe sa iyong ulo o tainga, na puwedeng alisin pagkalipas ng 48 oras. Malamang ay magkaroon ka ng ilang materyal sa tainga na aalisin pagbalik mo sa klinika para sa isang pagpapatingin pagkatapos ng operasyon. Puwede nang bumalik ang karamihan ng mga tao sa kanilang trabaho o normal na routine sa loob ng humigit-kumulang 1 hanggang 2 linggo. Pero kung may mga nakakapagod na aktibidad o kailangang magbuhat ng mabigat sa iyong trabaho, posibleng kailanganin mong mas paghinga pa. Matutulungan ka ng iyong doktor na pagpasyahan kung kailan ka dapat bumalik sa trabaho.