Nandito kami para tumulong. Tumawag 628-206-8000
Ang isang abiso sa init ay may bisa para sa San Francisco. Para sa karagdagang impormasyon at mga mapagkukunan, mangyaring bisitahin ang sf72.org.
Kung bago ka sa Zuckerberg San Francisco General, magsimula rito. Gagawin namin ang aming makakaya para maituro ka sa tamang direksyon.
Nagbibigay kami ng nangungunang medikal na pangangalaga sa isang mapag-arugang lugar. Naglilingkod kami sa lahat ng taga-San Francisco, anuman ang kanilang kakayahang magbayad.
Maaari mong matutunan ang kung paano makarating dito, mahanap ang iyong daan, at makakuha ng tulong at suportang kailangan mo.
Nagkakaloob kami ng primera-klaseng pangangalaga para sa mga mamamayan ng San Francisco, anuman ang kakayahang magbayad o katayuang pang-imigrasyon.
Upang magkaloob ng primera klaseng pangangalaga at kaligtasan sa pasyente sa Zuckerberg San Francisco General, ang campus ay sumasailalim sa ilang malalaking proyektong konstruksyon.
Ang Zuckerberg San Francisco General ay tahanan sa mahigit 125 taon na arkitektura ng pangangalagang pangkalusugan. Ang aming mga pasilidad sa campus ay iba-iba mula sa mga makasaysayang laryong gusali na itinayo noong 1887 at 1915, hanggang sa aming bagong inpatient na ospital na nagsimulang maglingkod sa mga pasyente noong 2016. Ang aming pinakabagong mga proyekto ng konstruksyon ay pinopondohan sa pamamagitan ng Bono sa Kalusugan at Kaligtasan ng Publiko sa 2016 ng lungsod, pati na rin ng iba pang mga pampubliko at pribadong pinagkukunan, kabilang ang San Francisco General Hospital Foundation.
Inia-update ng ZSFG ang campus nito upang ipagpatuloy ang pagpapabuti ng serbisyo para sa ating mga pasyente sa kasalukuyan at para sa darating na mga henerasyon. Ang mga pag-upgrade sa mga pasilidad, gusali, at imprastraktura ay makakatulong sa ZSFG na maghanda para sa hinaharap, mapabuti ang pag-access sa pinag-uugnay na pangangalagang pangkalusugan, at magkaloob ng espasyong nakapaghihilom para sa ating mga tauhan at pasyente.
Kasama sa mga kasalukuyang pangunahing pagpapabuti ay ang mga serbisyo ng paglipat mula sa mga lumang gusali na maaaring hindi gumaganap nang mabuti sa panahon ng lindol patungo sa mga mas ligtas na isinamodernong gusali. Kasama sa iba pang gawain ang nagpapatuloy at kailangang-kailangang retrofit para sa lindol sa kongkretong pasilidad ng ospital na itinayo noong 1976, na kilala bilang Building 5, ang dating pangunahing ospital. Para sa retrofit, ang mga estruktural na bahagi ng gusali ay kasalukuyang sinusuportahan upang mapabuti ang pagtugon nito sa panahon ng malaking lindol.
Ang Building 5 ay kasalukuyang inire-retrofit para sa lindol. Nagsimula ang gawain noong 2019 at maaapektuhan ang mahigit sa 200 lokasyon sa loob ng lahat ng pitong palapag ng gusali.
Bilang bahagi ng malaking pagsusumikap na ito, ang mga tauhan ng konstruksyon ay nagtatrabaho sa bawat palapag, na pinalalakas ang gusali. Ang Capital Team ay gumagawa upang mabawasan ang anumang mga epekto ng konstruksyon sa mga tauhan at pasyente.
Iba pang mga Upgrade sa Building 5:
Ang bagong limang palapag na gusali para sa pananaliksik at akademiko ng UCSF na matatagpuan sa timog-silangang kanto ng campus ay pinalalakas ang matagal nang pakikipagtulungan ng ZSFG sa unibersidad. Inililipat ng UCSF faculty ang mga tauhan at pagpapatakbo sa laboratoryo mula sa mas lumang mga laryong gusali sa campus sa bagong pasilidad na ito na nagtatampok ng may espesyalidad na mga laboratoryo para sa pananaliksik, pasilidad para sa biochemical na pagsusuri, at pasilidad para simulation surgical training.
Ang 175,000 talampakang kuwadradong gusali ay magiging bagong tahanan ng UCSF Community and Clinical Research Center at ng mahigit 800 propesor, tauhan, at trainee ng UCSF sa pakikipagtulungan sa ZSFG upang maipatupad ang ating magkatulad na misyon sa pampublikong kalusugan sa pamamagitan ng pananaliksik at pagsasanay sa susunod na henerasyon ng mga medikal na propesyonal.
Noong 2022, lumipat ang mga Serbisyo ng Rehabilitasyon mula sa unang palapag ng Building 5 patungo sa isang maliwanag, bago, at mas malaking lokasyon sa ika-3 palapag. Nagsasagawa ng kasindami ng 60,000 inpatient at outpatient na sesyon kada taon, may espasyo na ngayon ang departamento na nagtataguyod ng pagsusumikap ng mga tauhan ng departamento at mga pasyenteng pinaglilingkuran nila.
Noong 2021, nagdagdag kami ng salamin na pangharang sa pagitan ng daanan na may taas na pitong talampakan sa mezzanine at balkonahe kung saan makikita ang lobby ng bagong Building 25 upang mapaigting ang kaligtasan. Ito ay bahagi ng mga pagsusumikap para mapaganda ang Building 25.
Noong 2019, ang Urgent Care Center para sa Nasa Hustong Gulang ay lumipat mula sa Building 80 patungo sa unang palapag ng Building 5. Pinabuti ng proyekto ang pag-access sa pangangalaga para sa mga pasyente at pinalawak ang espasyo ng klinika.
Manatiling may kaalaman sa mga kapital na proyekto sa Zuckerberg San General sa pamamagitan ng pagsubaybay sa amin sa Facebook, Twitter, Instagram at Linkedin.