Nandito kami para tumulong. Tumawag 628-206-8000
Ang isang abiso sa init ay may bisa para sa San Francisco. Para sa karagdagang impormasyon at mga mapagkukunan, mangyaring bisitahin ang sf72.org.
Kung bago ka sa Zuckerberg San Francisco General, magsimula rito. Gagawin namin ang aming makakaya para maituro ka sa tamang direksyon.
Nagbibigay kami ng nangungunang medikal na pangangalaga sa isang mapag-arugang lugar. Naglilingkod kami sa lahat ng taga-San Francisco, anuman ang kanilang kakayahang magbayad.
Maaari mong matutunan ang kung paano makarating dito, mahanap ang iyong daan, at makakuha ng tulong at suportang kailangan mo.
Nagkakaloob kami ng primera-klaseng pangangalaga para sa mga mamamayan ng San Francisco, anuman ang kakayahang magbayad o katayuang pang-imigrasyon.
Nagkakaloob kami ng pinagsamang pangunahin at may espesyalidad na pangangalaga para sa ating mga pasyenteng nabubuhay na may HIV. Tinutulungan din namin ang mga taong nanganganib na magkaroon ng HIV.
Ang Getting to Zero San Francisco ay isang grupo ng 300+ indibidwal na miyembro at tagapagtaguyod ng komunidad, organisasyong nakabase sa komunidad, institusyong pang-edukasyon, katuwang sa industriya, ahensya ng pamahalaan, at provider – pampubliko at pribado – mula sa iba’t ibang disiplina na nagtutulungan upang maisakatuparan ang bisyon upang gawing unang hurisdiksyon ang Lungsod at County ng San Francisco na walang bagong impeksyong HIV, walang estigma ng HIV, at walang kamatayang nauugnay sa HIV.
Ang panandaliang layunin ay upang mabawasan ang mga bagong pagkahawa ng HIV at pagkamatay na nauugnay sa HIV ng 90% hanggang 2025.
Ang Getting to Zero San Francisco Consortium ay nakatuon sa pagbuwag ng rasismo at mga institusyonal na pagkiling sa mga sistema at gawain at muling pagtingin sa modelo ng pag-iwas at pangangalaga sa HIV na sumusuporta sa lahat ng taga-San Francisco.