MyChart

Isang portal sa iyong mga rekord na pangkalusugan

Ang MyChart ay ang iyong portal ng pasyente. Ito ang ligtas na paraan para ma-access mo ang mga bahagi ng iyong mga rekord na pangkalusugan sa pamamagitan ng web browser o cell phone app.

Tungkol sa MyChart ng ZSFG

Ang lahat ng iyong impormasyong pangkalusugan sa iisang lugar

Tingnan ang iyong mga gamot, resulta ng pagsusuri, nalalapit na appointment, medikal na bayarin, tantiya ng gastos, at marami pa, ang lahat sa iisang lugar.

Ibahagi ang iyong medikal na rekord nang ligtas at may seguridad

Ibahagi ang iyong medikal na rekord sa sinumang nangangailangan nito. Karamihan sa iyong mga provider ng pangangalagang pangkalusugan ay makakakuha na ng impormasyon na kailangan nila, ngunit kung hindi, mayroon kang kapangyarihan na ibahagi ang iyong rekord sa kanila.

Agad na mag-iskedyul ng mga appointment at maghanap ng pangangalaga

Makakapagpa-appointment ka sa iyong kaginhawaan. Makukumpleto mo ang mga gawain bago bumisita mula sa tahanan.

Kumonekta sa isang doktor saan ka man naroroon.

Magpadala ng mensahe. Makakuha ng online na dyagnosis at paggamot. Harap-harapang makipag-usap sa video. Isaayos ang pag-follow up sa isang doktor sa personal, depende sa antas ng pangangalagang kailangan mo.

Dalhin ang iyong rekord na pangkalusugan, saan ka man pumunta

Ang iyong rekord ay available online o sa iyong telepono.

This site is registered on wpml.org as a development site. Switch to a production site key to remove this banner.