Makibahagi

Umaasa kami sa malaking suporta at pakikilahok ng komunidad upang maisagawa ang misyon. Matutulungan mo kaming gumawa ng tunay na pagkakaiba.

Kim Meredith Portrait Aspect Ratio 208 229

“Karamihan sa mga taga-San Francisco ay hindi alam ang tungkol sa napakagandang gawain na nangyayari sa ospital araw-araw. Sa oras na ikaw ay makibahagi gaya ng ginagawa ko, mapupukaw lang ng ospital ang iyong puso.”

Kim Meredith
Chief Executive Officer, San Francisco General Hospital Foundation

Mga Paraan para Makibahagi

Mag-donate

Zsfg Cardio Thankyou E1680020282708 Aspect Ratio 342 185

Sa pamamagitan ng iyong bukas-palad na donasyon, nakakapaghatid kami ng napakahusay na pangangalagang pangkalusugan at serbisyo sa trauma sa sinumang nangangailangan.

Alamin pa ang tungkol sa pagbibigay sa pamamagitan ng San Francisco General Hospital Foundation.

Suportang Donasyon sa SFGHF
Allison Arden
Direktor ng mga Pangunahin at Pang-indibidwal na Regalo
Email

Mag-donate Ngayon

Boluntaryo

Volunteerswithhandsmakingcircle Promo Grid 1 Aspect Ratio 342 185

Ang mga boluntaryo ay mahalagang bahagi ng mapagmalasakit, komprehensibo, at nakakatipid na pangangalaga ng pasyente sa ZSFG.

Tumulong na matugunan ang mga pangangailangang emosyonal, panlibangan, panlipunan, at medikal ng ating mga pasyente. Pahusayin ang kalidad ng ating pangangalaga at ang pangkabuuang karanasan ng pasyente.

Volunteer Services
628-206-2444
Email

Tingnan ang mga Oportunidad sa Boluntaryo
Support2a E1625011609841 Aspect Ratio 833 696
San Francisco General Hospital Foundation

Sinusuportahan ang Pundasyon ng Ating Komunidad

Alamin pa ang tungkol sa kung paano mo kami matutulungan sa pagsuporta sa mga tumutupad sa pangako ng may ekidad na pangangalagang pangkalusugan para sa lahat sa pampublikong ospital ng San Francisco.

Heart Art

Iniwan namin ang aming hearts sa San Francisco.

Sfghf Pampublikong Eksibisyon 025 E1625011697932 16 9Ang proyektong Hearts in San Francisco ay nagsimula noong 2004 na may 131 eskultura ng puso na nilikha upang mapakinabangan ng mga programa sa ZSFG. Sa kasalukuyan, ang bagong hearts ay ginagawa, inio-auction at ibinibenta kada taon upang makalikom ng mga kritikal na pondo para sa pampublikong kalusugan sa San Francisco. Daan-daang Hearts ang nakalikom ng milyon-milyong dolyar upang suportahan ang inobasyon at mapagmalasakit na pangangalaga ng ZSFG.

Ang suporta ay nagmumula sa lahat ng hugis at laki. Hanapin ang iyong perpektong paraan upang gumawa ng positibong epekto sa mga buhay ng libo-libong nagpapasalamat na pasyente.

Tingnan ang lahat ng Hearts at alamin pa ang tungkol sa kung paano masusuportahan ang ZSFG.

Gumawa ng Pagkakaiba

Mga Oportunidad sa Boluntaryo sa ZSFG

Ang mga boluntaryo ay itinatalaga sa mga hindi klinikal at klinikal na setting – na naghahandog ng mga oportunidad para tuklasin ang maraming aspeto ng ospital. Ang aming mga pinakapopular na posisyon ay nasa Emergency Department, Urgent Care Center, Operating Room, at Radiology.

Klinikal na Boluntaryo

Ang mga klinikal na boluntaryo ay kailangang magkaroon ng pauna nang isinaayos na kasunduan sa provider ng ZSFG at hindi naka-enroll sa akademikong programa.

Boluntaryo sa Pananaliksik

Ang mga boluntaryo sa pananaliksik ay kailagang magkaroon ng pauna nang isinaayos na pagtatalaga sa pananaliksik.

Bumibisitang Boluntaryo

Ang mga bisita ay maaaring mag-obserba o sundan ang mga empleyado ng ospital.

Tawagan ang Volunteer Services sa 628-206-2444 upang matuto pa.

This site is registered on wpml.org as a development site. Switch to a production site key to remove this banner.