Nandito kami para tumulong. Tumawag 628-206-8000
Ang isang abiso sa init ay may bisa para sa San Francisco. Para sa karagdagang impormasyon at mga mapagkukunan, mangyaring bisitahin ang sf72.org.
Kung bago ka sa Zuckerberg San Francisco General, magsimula rito. Gagawin namin ang aming makakaya para maituro ka sa tamang direksyon.
Nagbibigay kami ng nangungunang medikal na pangangalaga sa isang mapag-arugang lugar. Naglilingkod kami sa lahat ng taga-San Francisco, anuman ang kanilang kakayahang magbayad.
Maaari mong matutunan ang kung paano makarating dito, mahanap ang iyong daan, at makakuha ng tulong at suportang kailangan mo.
Nagkakaloob kami ng primera-klaseng pangangalaga para sa mga mamamayan ng San Francisco, anuman ang kakayahang magbayad o katayuang pang-imigrasyon.
Ang mga patnubay sa pagbisita sa ibaba ay naaangkop sa lahat ng bisita kabilang ang, at hindi limitado sa: Lungsod at County ng SF, UCSF, at unang tagaresponde / mga tauhan na pang-emerhensya, boluntaryo, at estudyante.
Narito kami upang paglingkuran ka sa mga paraan na higit pa sa medikal na paggamot ang ginagawa. Ang aming team ay gumagawa ng mga partikular na pag-iingat upang mapanatili ka at ang iyong mahal sa buhay na ligtas habang nasa ZSFG.
Upang mapanatiling ligtas ang lahat, lubos na hinihikayat ang pagsusuot ng mask para sa lahat ng pasyente at bisita. Kailangan ang mask para sa mga tauhan na nagkakaloob ng pangangalaga sa mga pasyente. Maaaring magbago ang mga restriksyong ito depende sa mga pangangailangan sa kalusugan at kagalingan ng ating komunidad.
Salamat sa pagsunod sa aming mga kinakailangan para sa bisita.
Kailangang Magsuot ng Mask
Lubos na hinihikayat ang pagsusuot ng mask ngunit Opsyonal ito
Opsyonal na Pagsusuot ng Mask
Kakailanganin ng lahat ng pasyente na mag-check in sa lobby at magprisinta ng ID na may litrato at i-screen ang sarili bago pumunta sa ospital. Kailangang isuot ng “badge ng bisita” nang nakikita habang bumibisita.
Mga pasyenteng may mga kapansanang sikolohikal-panlipunan, intelektwal, sa pag-unlad, o kognitibo na umaasa sa sa-personal na suporta sa tahanan para sa pangangalagang medikal na kailangan.
Ang presensya ng sumusuportang indibidwal ay nilalayong mapadali ang komunikasyon at/o magkaloob ng karagdagang impormasyon tungkol sa kondisyon at/o kasaysayan ng pasyente. Ang sumusuportang indibidwal ay maaaring samahan ang pasyente hanggang sa makuha ang sapat na impormasyon at suporta. Ang presensya ng sumusuportang indibidwal na ito ay hindi pinapalitan ang kwalipikadong interpreter.
Nauunawaan namin ang kahalagahan ng mga koneksyon sa lipunan at paggaling. Upang manatiling nakakonekta sa iyong mahal sa buhay, mayroon kaming mga nakatakdang programa ng suporta. Para sa mga katanungan, tawagan ang Office of Patient Experience (Tanggapan para sa Karanasan ng Pasyente) sa 628-206-5176.
Kung gusto mong padalhan ng sulat o litrato ang pasyente na maipapaskil sa kanyang silid, sisiguraduhin naming makakarating ito sa mahal mo sa buhay. Mangyaring magpadala ng litrato o sulat bilang email sa dph-patientexperience@sfdph.org at isama ang iyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan kasama ang pangalan ng pasyente.
Narito kami para sa iyo at sa mahal mo sa buhay sa mga panahong ito ng emosyonal na stress. Mangyaring ipaalam sa miyembro ng team para sa pangangalagang pangkalusugan kung ikaw at/o ang pasyente ay nagnanais ng tawag sa telepono na mula sa aming team ng espirituwal na pangangalaga.
Sarado ang Cafeteria sa komunidad. Ang mga bisita ng pasyente ay pinahihintulutang kumuha ng pagkain bagaman walang mauupuan sa cafeteria. Matatagpuan ang Cafeteria sa aming Main Building 5, ika-2 Palapag.
Lunes – Biyernes
Sabado at Linggo
Sarado