Ang Community Wellness Program

Ang aming center sa ZSFG ay nakatuon sa pagtulong sa lahat ng taga-San Francisco na maging at manatiling malusog sa pamamagitan ng fitness, transisyon, at pagbuo ng komunidad.

Ang Community Wellness Program Mga Lokasyon

Community Wellness Center

1001 Potrero Ave.
San Francisco CA 94110
Building 5 | 2nd Floor, Rm 2D35

Mga Oras

Ang Aming Pananaw

Isang maunlad na komunidad ng mga pasyente na binibigyan ng kapangyarihan at suportadong tauhan na isinasakatuparan ang kanilang mga layuning pangkalusugan at pangkagalingan.

Ang Aming Misyon

Upang magkaloob ng pangunahing puntahan para sa mga programa at mapagkukunan para sa kalusugan at kagalingan na nakasentro sa pasyente na nagbibigay ng kaalaman, nagbibigay ng kakayahan, at nagbibigay ng kapangyarihan sa mga indibidwal na mamuhay nang mas nakabubuti sa kalusugan.

Ang Iskedyul ng Aming Klase

Truck Program para sa Tanghalian

Programa ng Paggalugad sa Kagalingang Pangkomunidad

Isa sa aming mga layunin dito ang tumulong sa paghahanda sa mga estudyante at boluntaryong pangkalusugan na mapaglingkuran nang mas mabuti ang ating mga komunidad. Ang Wellness Navigator Program ay sinasanay ang mga boluntaryo at estudyanteng intern na suportahan at itaguyod ang Community Wellness Program. Sinusuportahan ng programa ang mga Navigator sa kanilanng personal at propesyonal na pag-unlad sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng hands-on na karanasan sa pagtataguyod ng kagalingan sa kabuuan ng ating ospital at komunidad sa kabuuan.

Tungkol sa Programa

Mga Responsibilidad:

  • Magkaloob ng pang-administratibo at lohistikal na suporta para sa lahat ng pagpapatakbo sa Community Wellness Center.
  • Suportahan ang mga pagsusumikap na makipag-ugnayan upang gawing bahagi ang mga hindi gaanong napaglilingkuran at madalas na hindi maabot na mga pasyente at tauhan.
  • Suportahan ang mga aktibidad ng pagtataguyod ng kalusugan kabilang ang mga workshop, leksyon at klase sa iba’t ibang paksa sa kalusugan at kagalingan, kabilang ang nutrisyon, pamamahala sa dyabetis, pagtigil sa paninigarilyo, pagbawas ng stress, at iba pa.
  • Makibahagi sa pagbuo, pagdisenyo at pagpapatupad ng mga inisyatiba sa pampublikong kalusugan.
  • Tumulong sa mga ebalwasyon at pagtatasa ng programa sa pamamagitan ng mga survey at focus group upang matiyak na ang programa ay naghahatid ng mga de-kalidad na programa at serbisyo.
  • Magsilbi bilang liaison sa ospital at mga grupong pangkomunidad upang suportahan ang mga programa at gawing bahagi ang mga kalahok sa pamamagitan ng mga inobatibong istratehiya at insentibo.
  • Tumulong sa mga kaganapan ng pakikipag-ugnayan sa komunidad sa ospital at sa komunidad.

Mga Kuwalipikasyon:

  • Interes at kaalaman tungkol sa kalusugan at kagalingan
  • Mahusay na kasanayan sa komunikasyong pasalita at nakasulat
  • May kaalaman sa paggamit ng computer
  • Ipinamalas na kakayahang kumilos nang malaya bilang nakikipagtulungan at sumusuportang miyembro ng team
  • Kailangang maglaan ng minimum na walong oras sa isang linggo bilang Wellness Navigator; 100 oras sa loob ng minimum na tatlong buwan

Paano Ako Makakapag-apply?

Mga Boluntaryo:

Upang mag-apply para sa Navigator Program bilang boluntaryo o estudyanteng intern, mangyaring kumpletuhin ang aming Aplikasyon para sa Navigator.

Sa oras na makumpleto ang aplikasyon at oryentasyon para sa Wellness Navigator, ipoproseso ang aplikante bilang boluntaryo sa pamamagitan ng mga Serbisyo ng Boluntaryo sa Zuckerberg San Francisco General (ZSFG). Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga Serbisyo ng Boluntaryo, mangyaring tingnan sa page na ito.

Mga Estudyanteng Intern:

Mangyaring sumangguni sa Patakaran sa Pagtatalaga para sa Internship ng Zuckerberg San Francisco General. Kabilang sa proseso ng aplikasyon para sa internship ang pagkumpleto ng aplikasyon para sa Navigator, mga kinakailangan sa pagtatalaga para sa internship gaya ng nakasaad sa Patakaran ng Pagtatalaga para sa Internship, at oryentasyon para sa Wellness Navigator.

Mga Deadline:

  • Para sa SEMESTRE NG TAGSIBOL, ang panahon ng aplikasyon ay mula Nobyembre 1 – Disyembre 15, at ang petsa ng pagsisimula ay Enero 4.
  • Para sa SEMESTRE NG TAG-INIT, ang panahon ng aplikasyon ay mula Abril 1 – Abril 30, at ang petsa ng pagsisimula ay Hunyo 1.
  • Para sa SEMESTRE NG PAGLAGAS, ang panahon ng aplikasyon ay mula Hulyo 1 – Agosto 15, at ang petsa ng pagsisimula ay Setyembre 1.

Mga Mapagkukunan para sa Community Wellness

This site is registered on wpml.org as a development site. Switch to a production site key to remove this banner.