Nandito kami para tumulong. Tumawag 628-206-8000
Ang isang abiso sa init ay may bisa para sa San Francisco. Para sa karagdagang impormasyon at mga mapagkukunan, mangyaring bisitahin ang sf72.org.
Kung bago ka sa Zuckerberg San Francisco General, magsimula rito. Gagawin namin ang aming makakaya para maituro ka sa tamang direksyon.
Nagbibigay kami ng nangungunang medikal na pangangalaga sa isang mapag-arugang lugar. Naglilingkod kami sa lahat ng taga-San Francisco, anuman ang kanilang kakayahang magbayad.
Maaari mong matutunan ang kung paano makarating dito, mahanap ang iyong daan, at makakuha ng tulong at suportang kailangan mo.
Nagkakaloob kami ng primera-klaseng pangangalaga para sa mga mamamayan ng San Francisco, anuman ang kakayahang magbayad o katayuang pang-imigrasyon.
Ang Family Birth Center sa Zuckerberg San Francisco General ay isang mapagtanggap na lugar na niyayakap ang lahat ng kultura at pamilya. Naghahandog kami ng pangangalaga sa mahigit 20 wika.
Ang lahat ng aming bagong birth center room ay pribado, malaki, mapagmalasakit, at tumatanggap. Isang perpektong lugar para masimulan ang bonding sa iyong sanggol.
Ang bawat labor at delivery room sa Family Birth Center ay may sariling pribadong paliguan na may malaking malalim na tub para ikaw ay mag-labor at mag-relax.
Ang lahat ng aming mga tauhang doktor ay mga miyembro ng faculty ng University of California San Francisco (UCSF). Makakaasa ka at ang iyong sanggol sa pagkakaroon ng pinakaligtas na panganganak. Ang mga komadrona sa aming katangi-tanging 24 na oras na serbisyo ng komadrona ay narito para tulungan ka sa kabuuan ng iyong labor at panganganak. Ang aming mga nurse ay partikular na sinanay upang suportahan ka at mahigit 20 wika ang sinasalita sa Family Birth Center.
Ang aming katangi-tanging 24 na serbisyo ng komadrona ay narito para tulungan ka sa kabuuan ng iyong labor at panganganak. Sa pakikipagtulungan sa aming mga doktor, ang mga lubos na sinanay na nurse na komadrona ay eksperto sa pagsuporta sa iyo upang magkaroon ng normal na panganganak, at susubaybayan ka para sa anumang mga kumplikasyon.
Ang lahat ng aming mga tauhang doktor ay mga miyembro ng faculty sa UCSF. Ang UCSF ay lider sa pangangalagang pangkalusugan na kinikilala sa buong mundo. Makakaasa ka at ang iyong sanggol sa pagkakaroon ng pinakaligtas na karanasan sa panganganak. Bukod dito, mayroon kaming mga anesthesiologist upang magkaloob ng pangangalaga at kaligtasan sa aming mga pasyente ng 24/7.
Mag-virtual tour at alamin pa ang tungkol sa panganganak dito.
Ang doula ay isang mapag-arugang indibidwal na malalapitan mo para sa suporta sa anumang oras sa panahon ng panganganak. Kung pipiliin mo, ikaw at ang iyong pamilya ay maaaring matulungan ng isang boluntaryong doula sa panahon ng iyong pamamalagi sa Family Birth Center sa Zuckerberg San Francisco General.
Bilang sertipikadong Baby Friendly Hospital, kinikilala kami bilang lider sa suporta sa pagpapasuso. Sa loob ng unang oras pagkatapos manganak, naroon kami upang matulungan kang masimulan ang pagpapasuso sa iyong anak. Pagkatapos mong maiuwi ang iyong sanggol sa tahanan, maaari rin kaming magkaloob ng higit pang counseling at instruksyon.
Tinatanggap ang mga pamilya, sa panahon ng labor, panganganak at pagkatapos maipanganak ang sanggol. Ang mga pamamalagi nang magdamag ay hinihikayat sa Family Birth Center.
Ang mga magiging nanay ay maaaring kumpletuhin ang pangangalaga bago manganak sa Zuckerberg San Francisco General. Kabilang dito ang tulong sa tamang pagkain, mga pagsusuri bago manganak, ultrasound, serbisyo ng social worker, pagsusuri, edukasyon sa panganganak, programa ng sumusuportang grupo, at suporta sa pagpapasuso. Ang lahat ng serbisyo bago manganak ay inihahandog sa mahigit 20 wika at iginagalang ang iba’t ibang kultura ng aming mga pasyente.
Ana Delgado, CNM, Komadrona
Bilang komadrona, tinutulungan ni Ana Delgado ang mga pamilya na magkaroon ng ligtas at kasiya-siyang panganganak sa aming Family Birth Center ng 13 taon. Maaaring suportahan ni Ana ang mga plano sa panganganak ng ating pasyente sa parehong Ingles at Espanyol. Nagkakaloob siya ng may kalidad na pangangalagang pangkalusugan sa kabila ng mga hadlang sa wika at kultura. Kinikilala niya rin na ang pagtitiyak ng may ekidad na pangangalaga ay may higit pang pinatutunguhan bukod sa kung ano ang nangyayari sa labor room. Nangangailangan i to ng malalalim na samahan sa komunidad at pagbabago sa estruktura. Isang miyembro ng Equity Council, siya ang maningning na halimbawa ng paghahatid ng may ekidad at mapagmalasakit na pangangalaga sa kanyang mga pasyente.