Nandito kami para tumulong. Tumawag 628-206-8000
Kung bago ka sa Zuckerberg San Francisco General, magsimula rito. Gagawin namin ang aming makakaya para maituro ka sa tamang direksyon.
Nagbibigay kami ng nangungunang medikal na pangangalaga sa isang mapag-arugang lugar. Naglilingkod kami sa lahat ng taga-San Francisco, anuman ang kanilang kakayahang magbayad.
Maaari mong matutunan ang kung paano makarating dito, mahanap ang iyong daan, at makakuha ng tulong at suportang kailangan mo.
Nagkakaloob kami ng primera-klaseng pangangalaga para sa mga mamamayan ng San Francisco, anuman ang kakayahang magbayad o katayuang pang-imigrasyon.
Kilalanin ang team ng pamunuan ng Zuckerberg San Francisco General Hospital at Trauma Center.
Punong Opisyal na Tagapagpaganap
Pansamantalang UCSF Vice Dean
Chief Nursing Officer
Vice Dean ng UCSF
Chief of Medical Staff
Punong Medikal na Opisyal
Punong Opisyal ng Kalidad
Pinunong Opisyal ng Karanasan sa Pangangalaga
Punong Opisyal ng Komunikasyon
Punong Opisyal ng Pananalapi
Chief Integrative Officer
Punong Administratibong Opisyal
Associate Dean ng Pamamahala at Pananalapi
Pinuno ng Performance Excellence
(she, her, hers - mga panghalip na pambabae)
Naglilingkod sa Ginagampanang Papel mula pa noong 2016
Nakamit ni Dr. Ehrlich ang kanyang BA sa Public Policy Studies mula sa Duke University, ang kanyang Master’s sa Public Policy mula sa Goldman School of Public Policy sa University of California Berkeley, at ang kanyang MD mula sa University of California, San Francisco. Siya ay sertipikado ng lupon sa Internal na Medisina at nakumpleto ang kanyang residency sa primary care na internal na medisina sa Brigham and Women’s Hospital, isang ospital ng pagsasanay na kaanib ng Harvard University. Dati siyang naglingkod bilang Pangulo ng Lupon para sa California Association of Public Hospitals, at Pangulo ng Board of America’s Essential Hospitals. Kasalukuyan siyang Katiwala para sa California Hospital Association. Patuloy siyang nagsasanay sa pangunahing pangangalaga na internal na medisina sa Richard Fine People’s Clinic sa ZSFG campus.
he/him (mga panghalip na panlalaki)
Naglilingkod sa Ginagampanang Papel mula pa noong 2024
Si Dr. Critchfield ay Propesor ng Medisina sa UCSF sa Division of Hospital Medicine sa ZSFG. Pagkatapos ng maagang pagpokus sa pangunahing siyensya ng regulasyon ng T-lymphocyte sa mga laboratoryo sa NIH at UCSF, ang iba’t ibang papel ni Dr. Critchfield kasama ang mga trainee, faculty, at tauhan ng SFDPH ay nakasentro sa pagpapabuti ng pangangalaga sa mga naospital na pasyente sa buong pagpapatuloy ng pangangalaga at sa komunidad. Bukod sa kanyang mga papel bilang faculty, kabilang sa mga nakaraang papel ni Dr. Critchfield ang Chief of Staff ZSFG (2006-2008), tagapagtatag na Tagapangulo ng Division of Hospital Medicine sa General (2008), tagapagtatag na miyembro ng ZSFG Equity Council (2017) at Tagapangulo ng UCSF Committee on Academic Personnel (2018-2019). Bukod dito, naglingkod siya bilang SFDPH HICS Commander sa COVID Comman Center at nakipagtulungan sa mga pinuno ng departamento sa lungsod sa pag-uugnay-ugnay ng pagresponde sa pandemya sa San Francisco (2020).
Bilang pansamantalang Vice Dean ng UCSF sa ZSFG, patuloy na paglilingkuran ni Jeff ang pangkalahatang komunidad ng San Francisco habang lumilikha ng mga makabagong programa, na sinasanay ang susunod na henerasyon ng mga provider, at higit pang pinalalakas ang samahan sa pagitan ng UCSF at Lungsod at County ng San Francisco.
Si Gillian Otway ay isang namumukod-tanging lider ng nursing sa ZSFG simula pa noong 1998. Ang kanyang landas sa pamumuno sa ZSFG ay may ekstraordinaryong lalim at lawak at kinabilangan ng paglilingkod bilang: Project Coordinator para sa sistema ng klasipikasyon ng pasyente sa buong ospital; Nursing Supervisor; Acting Nurse Manager para sa 6C Birth Center; Nurse Manager para sa 5A AIDS/Oncology Unit; Nurse Manager para sa Pagpapanatili at Pagkuha ng Tauhan; at Nursing Director para sa mga Serbisyo ng Pangangalaga sa Ina at Anak at Pamamahala sa Nursing: ang lahat ay umabot sa tugatog ng pagkakatalaga sa kanyna bilang Pansamantalang Chief Nursing Officer ng ZSFG mula pa noong 2022.
Habang matagumpay niyang pinamunuan ang ating team sa mga tungkuling ito sa pamamagitan ng maraming malalaking kaganapan kabilang ang ating paglipat noong nakaraang dekada sa ating bagong acute care tower, ang Building 25; sa pamamagitan ng Epic go-live; at pandemyang Covid.
Bilang isang Chief Nursing Officer, siya ang magiging lider sa mahigit 1000 nurse sa campus, ang pinakamalaking iisang grupo ng mga nurse sa Department of Public Health. Maglilingkod siya sa dalawang papel sa pamumuno kasama ang Chief Medical Officer na si Dr. Gabe Ortiz, para sa lahat ng klinikal na serbisyo sa campus, at magiging isa sa mga kasamang lider sa estratehiya para sa inisyatibang Access and Flow. Maglilingkod siya bilang miyembro ng Executive Team ng ZSFG, na bilang isang grupo ay responsable sa pangkalahatang estratehiya at pagpapatakbo para sa ospital, at na maisasakatuparan natin ang ating mga True North na layunin ng Ekidad, Kalidad, Kaligtasan, Pakikibahagi sa Pasyente at Tauhan, at Pangangalaga sa Pananalapi.
Sa walong taon na nakatrabaho ko si Gillian, para sa akin, marami talaga siyang kaalaman, siya ay nakikipagtulungan, malikhain, mapagkumbaba, bumabatay sa mga datos at masayang katrabaho.
Si Dr. Mercer ay naging isang pinahahalagahang miyembro ng UCSF faculty, na naglilingkod bilang Propesor ng Emergency Medicine. Klinikal siyang nagtrabaho sa ZSFG at aktibong nakibahagi sa maraming papel na pinagkukrus ang Emergency Medicine sa Disaster Medicine, Public Health, at Organizational Improvement and Culture.
Kasama sa kahanga-hangang kasaysayan ni Dr. Mercer ang mga nakaraang pagsusumikap sa pagpapabuti ng pagganap sa ZSFG ED at siyam na taong serbsiyo bilang kasamang direktor para sa programang Relationship-Centered Communication (RCC) ng ZSFG. Kasalukuyan niyang pinangangasiwaan ang Emergency Medical Services (EMS) at Disaster Medicine Section at Fellowship sa UCSF at naglilingkod bilang Medical Director ng Alameda City Fire Department EMS. Ang kanyang dedikasyon sa medikal na edukasyon at kagalingan ay nakikita sa kanyang papel bilang Direktor para sa Kagalingan sa UCSF Department of Emergency Medicine, kung saan siya ay responsable sa mga inisyatiba sa lahat ng klinikal na site at team.
Malaki ang kanyang akademikong kontribusyon, na may malawak na publikasyon sa mga larangan ng EMS, Disaster Medicine, komunikasyon, at sakit sa paggamit ng substansya. Ang pamumuno ni Dr. Mercer ay higit pa sa UCSF, kabilang ang serbisyo at pamumuno para sa mga pambansa at panrehiyong organisasyon ng EMS. Sa lokal, humawak siya ng iba’t ibang posisyon sa pamumunong estratehiko at sa pagpapatakbo bilang pagtugon sa mga emerhensiya sa pampublikong kalusugan, kabilang ang mga pagkalat ng COVID-19 at mpox sa San Francisco, kung saan tumulong siya sa pangangasiwa ng mga pangunahin at pangmaramihang institusyong samahan sa buong lungsod.
Nakumpleto ni Dr. Mercer ang kanyang undergraduate na pagsasanay sa Harvard University, kasunod ng medikal na edukasyon sa College of Physicians and Surgeons sa Columbia University. Isinagawa niya ang kanyang residency sa Emergency Medicine sa Stanford University at kinumpleto ang EMS/Disaster Medicine fellowship sa UCSF/ZSFG, kasama ang Master’s sa Pampublikong Kalusugan na nakatuon sa Epidemiology sa University of California, Berkeley. Sa kanyang papel bilang Chief of Medical Staff sa ZSFG, pinangangasiwaan niya ang mga Medikal na Tauhan at pinangangasiwaan ang mga pangunahing inisyatiba sa kalidad at kaligtasan, na ipinagpapatuloy ang kanyang pangako sa pagpapabuti ng pangangalaga ng pasyente at mga resulta sa kalusugan. Pinamumunuan niya ang ating mga Medikal na Tauhan tungo sa hinaharap na may tatak ng kahusayan sa pangangalaga, inobasyon, at malalim na pangako sa kalusugan at kagalingan ng ating mga pasyente.
(he, him, his - mga panghalip na panlalaki)
Nakamit niya ang kanyang MS at BS noong 1996 mula sa Yale University sa Molecular Biophysics at Biochemistry. Nakamit niya ang kanyang MD, PhD noong 2004 mula sa Weill Cornell/Rockefeller/Sloan Kettering Tri-Institutional MD-PhD Program kung saan pinag-aralan niya ang mga tugon ng selula sa imunidad ng tao sa HIV.
Kilalang-kilala si Dr. Ortiz sa nakararami sa atin sa ZSFG, na naglingkod mula pa noong nakaraang taon bilang inihalal na Pinuno ng mga Tauhan at mula pa noong 2018 bilang Medikal na Direktor para sa Medical/Surgical Care.
Ang pangako ni Dr. Ortiz sa ZSFG ay nagsimula noong 2004 noong sumali siya bilang isang intern sa programang residency sa Internal na Medisina. Ibinahagi niya sa pangkat na tagapanayam na ang misyon ng ZSFG ang nakapukaw sa kanyang atensyon na magsanay sa UCSF, bilang unang henerasyong Latino na may motibasyong gumanti ng kabutihan sa mga komunidad na hindi lubusang napaglilingkuran. Kasunod nito, nagpatuloy siya sa Fellowship sa mga Nakakahawang Sakit at naglingkod bilang Punong Resident ng ZSFG sa Internal na Medisina. Sumali siya sa faculty bilang Klinikal na Instruktor para sa mga Nakakahawang Sakit noong 2008 at pagkatapos, bilang Katulong na Klinikal na Propesor ng Internal na Medisina sa Division of Hospital Medicine noong 2012 na may layuning gamitin ang kanyang mga kasanayan tungo sa pagpapabuti at paghahatid ng pangangalaga. Sa kabuuan ng kanyang karera, kinilala ni Dr. Ortiz ang kanyang sarili bilang lider na may maraming kakayahan, na may hawak na mahahalagang papel sa loob ng UCSF at sa San Francisco Department of Public Health. Bilang isang halimbawa, naglingkod siya bilang Epic Inpatient Domain Co-Leader mula pa noong 2019 noong nag-live kami sa Epic, na ginagalugad ang elektrokong rekord na pangkalusugan sa pamamagitan ng yugto ng pagpapatatag at pagpapahusay. Tinatampok ang kanyang pangako sa ating mga pangunahing pagpapahalaga, naglingkod siya bilang Medical School Bridges coach, kinilala nang may Faculty Award na Kahusayan sa Pagtuturo noong 2019 ng UCSF na nagtapos sa klase ng medikal na paaralan, at dalawang beses na ginawaran ng Values in Action Award ng Medical Executive Committee. Siya ay isang masigasig na Lean leader, na nakumpleto ang Lean Certification noong Abril 2014 at patuloy na ginagamit ang mga prinsipyo ng paggalang para sa mga tao at pinahuhusay ang kahalagahan ng kanyang gawaiin sa buong Department of Medical/Surgical care at sa kanyang papel bilang Pinuno ng mga Tauhan.
Si Dr. Ortiz ay huwaran sa mga pagpapahalaga ng ZSFG na Kasiyahan sa Trabaho, Mapagmalasakit na Pangangalaga at Uhaw na Matuto.
Naglilingkod sa Ginagampanang Papel mula pa noong 2021
Si Adrian ay lumipat sa Bay Area mula sa Leeds, sa hilaga ng England, at dumating sa USA noong 2006 na may karanasan sa kritikal na pangangalagang nursing at pamumuno. Pagkarating niya, nagtrabaho siya nang klinikal sa kritikal na pangangalaga, at pagkatapos ay ginampanan ang mga papel sa pamumuno sa nursing at Pamamahala ng Kalidad. Kabilang sa kanyang lubos na pinagsusumikapan ang pangangasiwa sa mga gawain at pampublikong kalusugan at noong 2018, sumali si Adrian sa pangkat para sa Pamamahala ng Kalidad sa ZSFG.
Noong 2021, si Adrian ay naging Punong Opisyal sa Kalidad para sa ZSFG. Sa kanyang papel, siya ang Opisyal sa Kaligtasan ng Pasyente, pinangangasiwaan ang pagpapabuti ng pagganap, ang Sentro ng Datos para sa Kalidad, Pamamahala ng Panganib, Pangangasiwa sa mga Gawain at Pag-iwas at Pagkontrol ng Impeksyon. Nakikipagtulungan si Adrian sa pamunuan ng network upang mapangasiwaan din ang mga ginagampanan ng Tanggapan ng mga Medikal na Tauhan.
Naglilingkod sa Ginagampanang Papel mula pa noong 2022
Naglingkod si Christine sa Lungsod at County ng San Francisco sa ilang papel ng 25 taon, kabilang ang Direktor ng Komunikasyon para kay Mayor Ed Lee, Direktor ng Komunikasyon para sa Transbay Joint Powers Authority at Direktor ng Komunikasyon para sa Department of Public Works. Ngayon naman sa Department of Public Health, pinamumunuan ni Christine ang napakahusay na pangkat sa komunikasyon upang isulong at suportahan ang misyon, mga pagpapahalaga at bisyon ng ZSFG ng pagkakaloob ng de-kalidad na mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan at trauma nang may malasakit at paggalang.
Naghahatid si Eric ng mahigit 15 taong karanasan sa pananalapi sa pangangalagang pangkalusugan sa papel ng CFO na may matatag na kahusayan sa epektibong paggamit ng data analytics upang maisulong ang kahusayan sa pagpapatakbo at istratehikong pagpaplano. Sa kanyang papel kamakailan bilang Direktor ng Suporta sa Badyet at Desisyon, naging responsable si Eric sa pagdidirekta ng pagbuo, pamamahala, at pagpapatupad ng pinagsamang $1.5 bilyong badyet ng ZSFG at Jail Health Service. Sa nagdaang apat na taon, malapit siyang nakipagtulungan sa karamihan sa ating mga lider upang mapasimple ang mga proseso ng pagbabadyet at mapahusay ang kalinawan sa pananalapi at aksesibilidad sa lahat ng hanay ng serbisyo.
Naglingkod din si Eric bilang Tagapagtaguyod ng Ekidad sa Pananalapi sa ZSFG at kamakailan ay pinarangalan bilang tagatanggap ng Values in Action Award para sa kanyang pangako sa pagtataguyod ng ekidad at pagiging huwaran sa mga pagpapahalaga ng ZSFG. Sa labas ng trabaho, inuuna ni Eric ang pamilya, nasisiyahan sa panahong kasama ang kanyang asawa ng 8 taon at dalawang anak. Bilang isang tubong San Francisco, nananatili siyang nakikibahagi sa kanyang komunidad, na pinagsusumikapan ang positibong pagbabago sa propesyonal at personal na paraan.
Sa papel na ito, pangangasiwaan niya ang pangkat ng Suporta sa Badyet at Desisyon at mga ginagampanan sa accounting para sa ZSFG, pati na rin ang dibisyon ng Pamamahala sa Impormasyong Pangkalusugan at mga Pinansyal na Serbisyo sa Pasyente para sa SFHN. Bukod dito, maglilingkod siya bilang miyembro ng pangkat na namumuno sa pananalapi ng DPH at ng ehekutibong pangkat ng ZSFG.
she/her/hers (mga panghalip na pambabae)
Si Angelica Almeida, Ph.D. ay ang Chief Integrative Officer sa Zuckerberg San Francisco General Hospital at Trauma Center. Bago sumali sa ehekutibong team, naglingkod siya sa ilang katungkulan sa Behavioral Health Services ng Department of Public Health, na pinakakamakailan bilang Direktor ng Adult and Older Adult System of Care. Siya ay isang klinikal na sikologo na nakipagtulungan sa mga indibidwal mula sa iba’t ibang yugto ng buhay, na may kadalubhasaan sa kumplikadong trauma at malubhang sakit sa pag-iisip sa mga pasilidad na nakabase sa komunidad at forensic. Nakatulong si Dr. Almeida sa pagbibigay ng kadalubhasaan sa larangan sa mga programang nauugnay sa hukuman at conservatorship nang lokal at sa buong estado at inuuna ang pangangalagang nakasentro sa kliyente.
Nakamit niya ang kanyang digring batsilyer sa sikolohiya mula sa University of California Berkeley at pagkatapos ay ang kanyang mga digring masters at doctoral sa klinikal na sikolohiya mula sa California School of Professional Psychology, San Francisco.
Bilang Chief Integrative Officer, magiging responsable si Dr. Almeida sa pangangasiwa ng mga serbisyo sa kalusugan ng pag-uugali sa loob ng Zuckerberg San Francisco General Hospital, kabilang ang mga Serbisyong Pang-emerhensya na Pan-psychiatric, mga Pan-psychiatric na Inpatient Unit, ang Behavioral Health Center (Tanggapan para sa Kalusugan ng Pag-uugali), at mga pangkomunidad na serbisyo sa kalusugan ng pag-uugali. Nakakatulong ang papel na ito sa pagsuporta sa mga pagpapatakbo ng ospital habang sinusuportahan din ang mga koneksyon sa mga serbisyo ng paggamot sa komunidad.
(she, her - mga panghalip na pambabae)
Naglilingkod sa Ginagampanang Papel mula pa noong 2023
Si Angelica Journagin, JD, MHA ay ang Punong Administratibong Opisyal para sa Zuckerberg San Francisco General Hospital. Sa papel na ito, naglilingkod siya bilang tagapag-ugnay para sa foundation ng ospital, sinusuportahan at pinamumunuan ang mga pangunahing pagpupulong ng pamunuan sa buong ospital, at pinamumunuan ang mga espesyal na proyekto. Bago dumating sa ZSFG, si Angelica ay naging Direktor ng Pagpaplano, sa Tanggapan ng Pamamahala ng Proyekto, at Karanasan ng Pasyente sa mga Ospital ng Mercy Fitzgerald, Mercy Philadelphia at St. Francis sa loob ng Trinity Health Mid-Atlantic (THMA). Doon, naging responsable siya para sa istratehikong pagpaplano, pamamahala ng proyekto, daloy ng pasyente, at karanasan ng pasyente. Sa THMA, pinamunuan niya ang pagbebenta ng Mercy Philadelphia Hospital at naglingkod bilang Komandante ng Insidente para sa COVID-19. Naglingkod din siya bilang Bise Presidente ng Pagpaplano at mga Kalakarang Panlabas para sa Unity Health Care Inc., isang Pederal na Kuwalipikadong Sentrong Pangkalusugan, sa Washington, DC. Natanggap ni Angelica ang kanyang Juris Doctor at Master of Health Administration mula sa Tulane University at ang kanyang Bachelor of Science mula sa Middle Tennessee State University.
Sinimulan ni Laurae ang kanyang karera sa UCSF sa ZSFG bilang isang administrative assistant sa Division of Infectious Diseases at Division of Rheumatology, at pagkatapos ay naglingkod bilang Division Manager ng Epidemiology and Preventions Interventions (EPI) Center at bilang unang Manager ng Division of Experimental Medicine. Noong 2015, hinirang siya bilang Direktor ng Administration and Finance para sa Department of Medicine sa ZSFG.
Isang tagapagtaguyod ng UCSF DEI, gumawa si Laurae ng malalaking kontribusyon bilang Kasamang Tagapangulo ng UCSD Committee sa Katayuan ng mga Kababaihan at bilang miyembro ng Council on Campus Climate, Culture, at Inclusion ng Chancellor. Sa dami ng karanasang administratibo at matinding pagnanais na itaguyod ang kolaboratibo at sumusuportang kapaligiran, si Laurae ay huwaran ng mga prinsipyo at pagpapahalagang pinananaig namin sa Tanggapan ng Dean. Bilang pagsalamin sa kanyang dedikasyon at mga naisakatuparan, nakamit niya ang 2012 Holly Smith Award para sa Napakahusay na Serbisyo, ang 2020 Chancellor Award para sa Napakahusay na Pamamahala sa Unibersidad, at ang 2023 Chancellor Award para sa Pagsulong ng mga Kababaihan.
Bilang Associate Dean ng Administration and Finance, inuuna ni Laurae ang pagbibigay ng kapangyarihan at pagsuporta sa lahat ng miyembro ng komunidad habang nagtatrabaho siya upang masuri ang mga prosesong sumusuporta sa pananaliksik na kritikal sa misyon at mga pagpapatakbo sa akademya ng UCSF sa ZSFG.
(he, him - mga panghalip na panlalaki)
Si Hemal Kanzaria, MD, MSc, ay ang Pinuno ng Performance Excellence sa Zuckerberg San Francisco General Hospital (ZSFG), kung saan ang kanyang pokus ay sa istratehiya sa organisasyon at pagpapabuti ng pagganap. Propesor din siya ng Emergency Medicine sa University of California, San Francisco (UCSF), kung saan may hawak siyang Terry A. Patinkin, MD, Endowed Professorship sa Ekidad sa Kalusugan.
Bago ang kasalukuyan niyang papel, naglingkod siya bilang Direktor ng Complex Care Analytics para sa San Francisco Health Network (2015-2019) ar Medikal na Direktor para sa Department of Care Coordination sa ZSFG (2019-2023). Sa pamamagitan ng mga ginagampanang papel na ito, sinuportahan niya ang pagpapalawak at pagpapatakbo ng pinagsama-samang sistema ng datos sa pagitan ng maraming ahensya upang maunawaan ang mga pangangailangang medikal at hindi medikal ng pasyente; ang pagpapatupad ng palitan ng impormasyon ng Emergency Department (ED) sa buong SF Department of Public Health; ang pagbuo ng makabagong Social Medicine team sa maraming disiplina upang matugunan ang mga pangangailangang panlipunan ng mga pasyente; at maraming pagsusumikap sa pag-uugnay ng pangangalaga habang ginagamit ang mga pinasimpleng prinsipyo ng pagpapabuti upang maisulong ang ligtas, maayos, at may ekidad na pangangalaga ng pasyente. Siya rin ang tagapagtatag na Katuwang na Direktor ng Seksyong Department of Emergency Medicine ng Social Emergency Medicine at Health Equity, at naglilingkod sa Lupon ng mga Direktor para sa San Francisco General Hospital Foundation.
Si Dr. Kanzaria ay isang mananaliksik sa mga serbisyong pangkalusugan, isang patnugot na tagapagpasya para sa Annals of Emergency Medicine, at Kasamang Direktor sa UCSF Benioff Homelessness and Housing Initiative at Pangunahing Tagapagturo sa UCSF Institute for Health Policy Studies at California Policy Lab na nakatuon sa pakikibahagi ng pasyente, mga pangangailangang panlipunan na may kaugnayan sa kalusugan, kawalan ng tirahan, madalas na gumagamit sa sistema ng pangangalagang pangkalusugan, at pagbabago sa sistema ng paghahatid.
Nagtapos sa Brown University, UCSF School of Medicine, at UCLA School of Public Health, kabilang sa mga pagsasanay ni Dr. Kanzaria ang residency para sa pang-emerhensyang medisina sa UCSF/ZSFG at ipinagpapatuloy niya ang kanyang kasanayan bilang pang-emerhensyang doktor sa UCSF/ZSFG, at naninirahan siya sa San Francisco kasama ang kanyang asawa at dalawang anak na babae.