Functional Endoscopic Sinus Surgery

Pagpapaluwag at paglilinis sa iyong mga sinus

Ano ang endoscopic na operasyon sa sinus?

Sa endoscopic na operasyon sa sinus, inaalis ang maliliit na buto at tissue na humaharang sa ilong at mga sinus. Papaluwagin nito ang iyong mga sinus at puwede nitong maibsan ang mga sintomas mo sa pamamagitan ng pagpapabuti sa drainage ng iyong mga sinus sa pamamagitan ng ilong mo. Sa pamamagitan nito, mas madali ring mapupunta sa ilong ang mga nasal spray at rinse. Isinasagawa ang operasyong sa pamamagitan ng pagpapasok ng mga camera sa ilong mo, kaya walang hinihiwa sa labas ng iyong mukha.

Kailan inirerekomendang magpaopera?

Inirerekomendang operahan ang sinus kung madalas kang magkaroon ng impeksyon sa sinus o ng mga pabalik-balik na sintomas ng baradong ilong, drainage, pressure sa mukha, at o paghina ng pang-amoy na hindi bumubuti sa mga karaniwang gamot.

Ano ang dapat kong asahan sa operasyon?

Papatulugin ka sa panahon ng operasyon. Gumagamit ang doktor ng mahabang camera (o “scope”) para makita ang loob ng iyong ilong. Pagkatapos ay naglalagay ang doktor ng mga espesyal na tool sa ilong mo kasama ng scope para maalis ang anumang bumabara sa iyong mga sinus.

Ano ang mga panganib?

Malamang ay gamitin ng iyong doktor ang CT imaging mo bilang roadmap para makita kung saan ang ooperahan niya sa iyong ilong. Sa pamamagitan nito, maiiwasang mapinsala ang mahahalagang istruktura sa malapit, gaya ng iyong mata o bungo.

Ano ang dapat kong asahan pagkatapos ng operasyon?

Pagkatapos ng operasyon, puwedeng maglagay ng packing ang doktor mo sa iyong ilong para maiwasan ang pagdurugo at pagpepeklat. Posibleng kailanganin ng iyong doktor ang packing na ito sa klinika sa pamamagitan ng isang camera (scope). Hihilingin sa iyo na i-rinse ang sinus mo nang dalawang beses sa isang araw para mas mabilis itong gumaling at maiwasan ang panunuyo. Makakatulong ang pag-rinse na alisin ang crusting at debris sa loob ng unang 1-2 buwan. Karaniwan ang baradong ilong, pagdurugo ng ilong, at pressure sa mukha ilang araw pagkatapos ng operasyon – puwedeng pakiramdam mo ay mayroon kang malalang sipon.

Puwede nang umuwi ang karamihan ng mga tao ilang oras pagkatapos ng operasyon at puwede na silang gumawa ng magagaang aktibidad at bumalik sa normal nilang routine sa loob ng humigit-kumulang 1-2 linggo, pero depende ito sa uri ng trabaho at sa kung gaano kakumplikado ang operasyon. Kailangan mong iwasang magbuhat ng mabigat at gumawa ng mga nakakapagod na aktibidad sa loob ng 1-2 linggo.