Iniksyon sa Vocal Cord

Pagpapalakas sa Volume ng Mga Vocal Cord

Ano ang Iniksyon sa Vocal Cord

Isaitong procedure kung saan nagtuturok ng filling agent sa iyong (mga) vocal cord para ‘palakihin ang mga ito’ o palakasin ang volume. Gumagamit kami ng 2 magkaibang uri ng filler. Ang isa ay hyaluronic acid injection (HA). Natural na nakikita ang materyal na ito sa ating mga katawan at tumatagal lang ito nang 2 hanggang 3 buwan. Ang isa naman ay calcium hydroxyapatite injections (CaH). Puwede itong maging natural o synthetic at tumatagal ito nang 9 hanggang 12 buwan. Tatalakayin ng iyong provider ang kanyang rekomendasyon bago ang operasyon.

Kailan ito inirerekomenda?

Isinagawa ang procedure na ito kung mayroon kang vocal cord paralysis o immobility, kung manipis ang mga vocal cord mo, kung mayroon kang sulcus vocalis, kung nasasamid ka o kung hindi ka makaubo dahil mahina o manipis ang mga vocal cord, at kung may peklat sa mga vocal cord.

Ano ang dapat kong asahan sa procedure na ito?

Isinasagawa ang procedure na ito sa operating room, susubaybayan ka ng aming anesthesia team at magbibigay sila ng pampaantok pero mananatili kang gising. Ang pinakakaraniwang paraan ng pagsasagawa sa procedure ay sa pamamagitan ng bibig. Papamanhirin ng doktor ang likod ng iyong bibig gamit ang lidocaine spray, na kumokontrol sa gag reflex. Magpapatak ng pampamanhid na gamot sa iyong mga vocal cord na puwedeng magdulot ng kakaibang pakiramdam sa likod ng lalamunan. Pagkatapos ay tuturukan ito at ilalagay ang materyal.

Ano ang dapat kong asahan pagkatapos ng operasyon?

  • Dapat ay ganap mong ipahinga ang iyong boses sa loob ng 24 na oras pagkatapos ng procedure – ibig sabihin, bawal magsalita, bumulong, at umubo. Limitahan ang paggamit ng boses sa susunod na 24-48 oras. Pagkatapos ay puwede ka nang bumalik sa pagsasalita gaya ng dati.
  • Puwedeng pansamantalang pumangit ang boses mo. Normal lang ito at aayos din ito.
  • Huwag kumain o uminom nang kahit 1 oras lang pagkatapos ng procedure. Ito ay para mawala muna ang epekto ng pampamanhid na gamot. Sa panahong ito, babalik sa normal ang paglunok mo. Puwede ka nang bumalik sa regular mong diyeta pagkalipas ng isang oras.
  • Puwedeng magkaroon ng kaunting dugo sa iyong mucus. Normal ito. Iwasang umubo o magasgasan ang lalamunan. Ito ay dahil puwedeng magkaroon ng iritasyon sa tinurukang tissue.
  • Huwag manigarilyo. Puwedeng lumala ang iritasyon ng lalamunan at magkaroon ng mga secretion kapag nanigarilyo.