Nandito kami para tumulong. Tumawag 628-206-8000
Kung bago ka sa Zuckerberg San Francisco General, magsimula rito. Gagawin namin ang aming makakaya para maituro ka sa tamang direksyon.
Nagbibigay kami ng nangungunang medikal na pangangalaga sa isang mapag-arugang lugar. Naglilingkod kami sa lahat ng taga-San Francisco, anuman ang kanilang kakayahang magbayad.
Maaari mong matutunan ang kung paano makarating dito, mahanap ang iyong daan, at makakuha ng tulong at suportang kailangan mo.
Nagkakaloob kami ng primera-klaseng pangangalaga para sa mga mamamayan ng San Francisco, anuman ang kakayahang magbayad o katayuang pang-imigrasyon.
Mga Patakaran at Pamamaraan
Blg. ng Patakaran: 1.21 Inaprubahan ng: Manager ng Departamento Petsa: 6/22/2022
Isinasaad ng AB1020, na nauugnay sa mga serbisyo ng doktor, na:
(B) Kasama rin sa nakasulat na patakaran kaugnay ng mga may diskwentong bayad ang pahayag na ang isang pang-emergency na doktor, na inilalarawan sa Seksyon 127450, na nagbibigay ng mga pang-emergency na medikal na serbisyo sa isang ospital na nagbibigay ng pang-emergency na pangangalaga ay inaatasan din ng batas na magbigay ng mga diskwento sa mga pasyenteng walang insurance o may malalaking medikal na gastusin na nasa o wala pa sa 400 porsyento ng pederal na antas ng kahirapan. Hindi dapat ipakahulugan ang pahayag na ito bilang nagpapataw ng anumang karagdagang responsibilidad sa ospital.
Dating inamyendahan ang patakaran ng Medikal na Grupo ng SFGH para umayon sa Programa ng May Diskwentong Pagbabayad sa Charity na Pangangalaga ng ZSFG. Nahihigitan ng aming kasalukuyang patakaran ang mga kinakailangan ng AB1020. Partikular na nakabatay ang aming patakaran sa FPL% na tinukoy ng Mga Pinansyal na Tagapayo ng ZSFG. Dapat limitahan ng grupo ng klinikal na kasanayan ang inaasahang pagbabayad para sa mga serbisyong ibinibigay nito sa pasyenteng nasa o wala pa sa 400% ng FPL, na kwalipikado sa ilalim ng patakaran sa may diskwentong pagbabayad nito, sa halaga ng pagbabayad na aasahang matanggap ng grupo mula sa Medicare o Medi-Cal, alinman ang mas malaki.
Tumawag sa 628 206 8000 para sa Pangkalahatang Impormasyon
Tumawag sa 911 para sa isang Medikal na Emergency
Accessibility ng Website