Oportunidad para sa Fellowship sa Pananaliksik sa Otolaryngology

Ang University of California San Francisco Department of Otolaryngology-Head and Neck Surgery ay iniisponsor ang isang taong fellowship sa pananaliksik sa pamamagitan ng Zuckerberg San Francisco General Hospital. Isang fellowship ang igagawad kada taon sa medikal na estudyanteng interesado sa paggalugad sa klinikal at translasyonal na pananaliksik sa mga aspetong nauukol sa Otolaryngology na partikular na kinabibilangan ang otology/neurotology, rhinology, at sleep apnea surgery. Ang fellow ay magkakaroon ng pagkakataong malapit na makatrabaho ang ilang dalubhasang tagapagturo na may layunin ng maraming publikasyon at presentasyon sa bansa. Makikibahagi ang fellow sa mga kaganapan ng pananaliksik ng Department of Otolaryngology, kabilang ang mga lingguhang seminar at taunang Resident Research Symposium, at magkakaroon ng pagkakataong makipag-network sa mga Otolaryngology-Head and Neck Surgery resident, fellow, at faculty

  • Tinatanggap ang mga aplikasyon hanggang Oktubre 30 ng bawat taon
  • Mga interview sa Zoom sa Nobyembre
  • Kandidatong napili bago lumampas ng susunod na taon

Mangyaring ipadala ang sumusunod sa josephine.hermoso@ucsf.edu:

  1. Personal na pahayag na nagtatampok ng interes sa isang taong fellowship sa pananaliksik na ito (pinakamarami ang 300 salita)
  2. Curriculum Vitae (CV)