Cancer sa Ulo at Leeg

Ano ang Cancer sa Ulo at Leeg?

Ang cancer sa ulo at leeg ay grupo ng mga cancer na nagsisimula sa iyong bibig, lalamunan, voice box, ilong, o mga sinus. Ang mga ito ay mga bahagi ng iyong katawan na ginagamit mo upang huminga, kumain, magsalita, at umamoy.  Ang cancer sa ulo at leeg ay ang ikapitong pinakakaraniwang cancer sa mundo1.

Ang mga cancer sa ulo at leeg ay maaaring mangyari sa iba’t ibang bahagi1,2,3:

  • Bibig (loob ng bibig): Iyong mga labi, dila, gilagid, at loob ng iyong mga pisngi
  • Lalamunan (pharynx): Ang tubo na nagmumula sa iyong ilong at bibig pababa sa iyong tiyak at baga. Kabilang dito ang iyong mga tonsil.
  • Voice box (larynx): Ang bahagi ng iyong lalamunan na tumutulong sa iyong magsalita
  • Ilong at mga sinus: Ang espasyo sa likod ng iyong ilong at ang mga bulsang may hangin sa palibot ng iyong ilong
  • Mga salivary gland: Ang mga gland sa iyong bibig na gumagawa ng laway

Ipinapakita sa larawan sa ibaba kung saan maaaring tumubo ang mga cancer na ito:

Larawan ng ulo na nagpapakita ng iba't ibang anatomikal na katangian.

Ano ang Nagdudulot ng Cancer sa Ulo at Leeg?

Ang mga pangunahing bagay na maaaring magdulot ng cancer sa ulo at leeg ay1,2,5

  • aninigarilyo: Ang paghithit ng mga sigarilyo, mga tabako, o pipe ang isa sa pinakamalalaking sanhi ng cancer sa ulo at leeg. Ang pagnguya ng tabako ay nagdudulot din ng cancer.
  • Pag-inom ng alkohol: Ang pag-inom ng maraming alkohol ay maaaring magdulot ng cancer sa ulo at leeg. Kung ikaw ay naninigarilyo AT umiinom ng alkohol, mas mataas ang iyong panganib kaysa sa paggawa lamang ng isa sa mga ito.
  • HPV virus: Ang HPV (human papillomavirus) ay ang pangunahing sanhi na ngayon ng cancer sa lalamunan sa maraming bansa. Ito ang parehong virus na maaaring magdulot ng cervical cancer sa mga kababaihan. Maaari kang makakuha ng HPV sa iyong lalamunan mula sa pakikipagtalik gamit ang bibig. Ang mga cancer sa lalamunan na dulot ng HPV ay nagiging mas karaniwan, lalo na sa mga taong mas nakababata.
  • Iba pang mga virus: Ang virus na tinatawag na EBV (Epstein-Barr virus) ay maaaring magdulot ng cancer sa likod ng iyong ilong.

Iba pang mga bagay na maaaring makadagdag sa iyong panganib1:

  • Pagiging matanda (karamihan sa mga tao ay tinatayang 60 taong gulang noong nagkaroon sila ng cancer sa ulo at leeg)
  • Pagiging lalaki (mas nakukuha ito ng mga kalalakihan kaysa kababaihan)
  • Hindi pagkain ng sapat na prutas at gulay
  • Pagnguya ng betel nut (karaniwan sa ilang bansa sa Asya)
  • Dating tumanggap ng paggamot na radiation sa iyong ulo o leeg
  • Pagkakaroon ng mahinang immune system

Ano ang mga Palatandaan ng Cancer sa Ulo at Leeg?

Dapat kang magpatingin sa doktor kung mayroon ka ng alinman sa mga problemang ito nang mahigit sa dalawang  linggo:1,6,7,8

Kabilang sa mga karaniwang palatandaan ang:

  • Bukol sa iyong leeg
  • Singaw sa iyong bibig o lalamunan na hindi gumaling-galing
  • Pananakit ng lalamunan na hindi mawala-wala
  • Kahirapang lumunok o masakit kapag ikaw ay lumulunok
  • Iba o paos ang iyong boses
  • pananakit ng ngipin
  • Pagbaba ng timbang nang hindi sinusubukan
  • Mga puti o pulang patse-patse sa iyong bibig
  • Pagdurugo mula sa iyong bibig o ilong
  • Baradong ilong na hindi gumiginhawa
  • Pagdurugo ng ilong na madalas mangyari
  • Kahirapang huminga
  • Pamamanhid ng iyong mukha o bibig

Mahalaga: Maraming taong may cancer sa lalamunan dahil sa HPV ang una munang nakakapansin ng bukol sa kanilang leeg.  Ang mga taong walang HPV ay mas madalas na nagkakaroon ng pananakit o mga singaw sa kanilang leeg9

Paano Nalalaman ng mga Doktor kung Mayroon Kang Cancer sa Ulo at Leeg? 1,10

Kung sa tingin ng iyong doktor ay maaaring mayroon kang cancer, kakailanganin mo ang ilang pagsusuri:

  • Pagsusuri sa pangangatawan: Titingnan ng iyong doktor ang iyong bibig at lalamunan at pakikiramdaman ang iyong Maaaring gumamit ang doktor ng maliit na camera upang tingnan ang iyong lalamunan
  • Biopsy: Kukuha ng doktor ng isang piraso ng tisyu na titingnan sa ilalim ng mikroskopyo. Ito ang natatanging paraan upang matiyak kung mayroon kang cancer.
  • Pagsusuri para sa HPV: Para sa mga cancer sa lalamunan, sumusuri ang doktor upang malaman kung ang cancer ay dulot ng HPV. Mahalaga ito dahil nakakatulong ito sa pagpapasya ng paggamot sa iyo.

Mga Scan:

  • CT scan: Espesyal na X-ray na kumukuha ng mga detalyadong larawan
  • MRI: Gumagamit ng mga magnet para kunan ng mga litrato ang iyong katawan
  • PET scan: Ipinapakita kung nasaan ang mga selula ng cancer sa iyong katawan
  • CT sa Dibdib: Tinitingnan kung kumalat ang cancer sa iyong baga

Iba pang mga pagsusuring maaaring kailanganin mo:

  • Pagsusuri sa ngipin
  • Pagtingin ng nutrisyon
  • Pagtingin sa pananalita at paglunok
  • Pagsusuri sa pandinig
  • Tulong sa pagtigil sa paninigarilyo

Ano ang Staging?

Pagkatapos mong ma-diagnose, aalamin ng iyong doktor ang “stage” ng iyong cancer. Sinasabi ng  stage kung gaano kalaki ang cancer at kung kumalat na ito. Ang mga stage ay mula (maaga) hanggang IV (lubhang kumalat na).1

Para sa cancer sa lalamuna na dulot ng HPV, iba ang sistema ng pag-stage dahil ang mga cancer na ito ay madalas na tumutugon nang mas mabuti sa paggamot kaysa sa mga cancer na hindi dulot ng HPV10

Ano ang Kalalabasan? 1,2

Kung gaano kahusay ang iyong pagtugon sa paggamot ay nakadepende sa:

  • Kung nasaan ang cancer
  • Kung nasa anong stage ito
  • Kung ito ay idinulot ng HPV (para sa mga cancer sa lalamunan)
  • Iyong kalusugan sa kabuuan
  • Kung ikaw ay naninigarilyo o umiinom ng alkohol

Ang mga cancer sa lalamunan dahil sa HPV ay may mas mabuting kalalabasan kaysa sa mga cancer na hindi dulot  ng HPV. Ang mga taong may cancer sa lalamunan dahil sa HPV ay humigit-kumulang 58% na mas hindi malamang na mamatay sa kanilang cancer.

Paano Ginagamot ang Cancer sa Ulo at Leeg? 1,2,5

Ang paggamot ay nakadepende sa kung nasaan ang iyong cancer, kung ano ang stage nito, at sa iyong kalusugan sa kabuuan. Karamihan sa mga tao ay nangangailangan ng pangkat ng mga doktor at tagapagkaloob ng pangangalaga.

Kabilang sa mga opsyon sa paggamot ang:

Operasyon:

  • Para sa mga cancer sa bibig, kadalasang ginagawa mula ang operasyon. Maaari kang mangailangan ng radiation pagkatapos ng surgery.
  • Inaalis ng surgery ang cancer at paminsan-minsan, ang mga lymph node sa iyong leeg
  • Maaaring gawin ang ilang operasyon gamit ang robot o laser
  • Maaari kang mangailangan ng operasyon upang muling buuin ang mga bahagi ng iyong bibig o lalamunan

Radiation therapy:

  • Gumagamit ng mga sinag na may mataas na enerhiya para patayin ang mga selula ng cancer
  • Para sa mga cancer sa lalamunan at voice box, ang radiation ay madalas na ginagamit sa halio na operasyon upang matulungan kang mapanatili ang iyong kakayahang magsalita at lumunok
  • Madalas na ibinibigay nang 5 araw sa isang linggo nang 6-7 linggo

Chemotherapy:

  • Gumagamit ng gamot na pumapatay sa mga selula ng cancer
  • Ang pinakakaraniwang gamot sa chemotherapy ay tinatawag na cisplatin
  • Maaaring ibigay bago, sa panahon ng, o pagkatapos ng iba pang mga paggamot

Immunotherapy:

  • Mga bagong paggamot na tumutulong sa iyong immune system na labanan ang cancer
  • Ginagamit para sa cancer na bumalik at kumalat

After surgery, you may need more treatment if:

  • Hindi lubusang natanggal ang cancer
  • Kumalat ang cancer sa labas ng mga lymph node
  • Marami nang lymph node ang nagkaroon ng cancer
  • Tumubo ang cancer sa mga ugat o daluyan ng dugo

Napaka-advanced o kumalat na ang cancer:

  • Maaaring magamot sa pamamagitan ng chemotherapy, immunotherapy, o pareho
  • Maaaring gamitin ang radiation upang makatulong sa mga sintomas

Ano ang mga Side Effect ng Paggamot?

Ang paggamot ay maaaring magdulot ng mga problema pareho sa panahon ng at pagkatapos ng paggamot, narito ang ilan, ngunit hindi lahat ng posibleng side effect:

Mga side effect ng operasyon:

  • Mga pagbabago sa hitsura mo
  • Kahirapang magsalita o lumunok
  • Maaaring mangailangan ng feeding tube
  • Mga pilat

Mga side effect ng radiation:

  • Panunuyo ng bibig
  • Kahirapang lumunok
  • Mga pagbabago sa balat
  • Mga pagbabago sa panlasa
  • Mga problema sa ngipin
  • Napapagod
  • Maaaring mangailangan ng feeding tube

Mga side effect ng chemotherapy:

  • Nasusuka
  • Pagkawala ng pandinig (sa cisplatin)
  • Mga problema sa bato
  • Mababang blood count
  • Napapagod

Matutulungan ka ng iyong mga doktor na mapamahalaan ang mga side effect na ito.

Ano ang Mangyayari Pagkatapos ng Paggamot?10

Pagkatapos ng paggamot, kakailanganin mo ng mga regular na checkup upang matiyak na hindi na babalik pa ang cancer at upang makatulong sa anumang mga side effect. Kasama sa mga follow up ang:

  • Mga pagsusuri sa pangangatawan
  • Mga scan sa tuwing kailangan
  • Pagtingin sa iyong pananalita o paglunok
  • Pangangalaga sa ngipin
  • Pamamahala sa mga side effect

Maaari bang Maiwasan ang Cancer sa Ulo at Leeg?1,2

Maaari mong mapababa ang iyong panganib na magkaroon ng cancer sa ulo at leeg sa pamamagitan ng:

Pagtigil sa paninigarilyo: Ito ang pinakamahalagang bagay na magagawa mo. Humingi ng tulong sa pagtigil sa iyong doktor.

Limitahan ang alkohol: Uminom ng mas kaunti o tumigil sa pag-inom ng alkohol.

Magpabakuna laban sa HPV: Ang bakuna laban sa HPV ay makakapagpaiwas sa impeksyon sa HPV at maaaring mapababa ang iyong panganib na magkaroon ng cancer sa lalamunan.

Alagaan ang iyong ngipin: Regular na magpatingin sa iyong dentista.

Kumain ng masustansyang pagkain: Kumain ng maraming prutas at gulay.

Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan

  • Kabilang sa cancer sa ulo at leeg ang mga cancer sa bibig, lalamunan, voice box, ilong, at mga sinus
  • Ang mga pangunahing sanhi ay paninigarilyo, alkohol, at virus na HPV
  • Ang mga cancer sa lalamunan na dulot ng HPV ay karaniwang tumutugon nang mas mabuti sa paggamot kaysa sa mga cancer na hindi dulot ng HPV
  • Kadalasang kabilang sa paggamot ang operasyon, radiation, chemotherapy, o kumbinasyon ng mga ito
  • Magpatingin sa iyong doktor kung mayroon kang mga sintomas na nagtatagal ng mahigit dalawang linggo Ang pagtigil sa paninigarilyo at paglimita sa alkohol ay maaaring magpababa sa iyong panganib
  • Napakahalaga ng mga checkup pagkatapos ng paggamot

Mga Sanggunian

  1. Cancer sa Ulo at Leeg (Head and Neck Cancer.) Mody MD, Rocco JW, Yom SS, Haddad RI, Saba NF. Lancet (London, England). 2021;398(10318):2289-2299. doi:10.1016/S0140-6736(21)01550-6.
  2. Squamous Cell Carcinoma sa Ulo at Leeg (Head and Neck Squamous Cell Carcinoma.) Johnson DE, Burtness B, Leemans CR, et al. Nature Reviews. Disease Primers. 2020;6(1):92. doi:10.1038/s41572-020-00224-3.

  3. Cancer sa Ulo at Leeg: Mga Kasalukuyang Hamon at mga Pananaw sa Hinaharap  (Head and Neck Cancer: Current Challenges and Future Perspectives.) Bhat GR, Hyole RG, Li J. Advances in Cancer Research. 2021;152:67-102. doi:10.1016/bs.acr.2021.05.002.

  4. Cancer sa Ulo at Leeg. (Head and Neck Cancer.) Chow LQM. The New England Journal of Medicine. 2020;382(1):60-72. doi:10.1056/NEJMra1715715.

  5. Squamous Cell Carcinoma sa Ulo at Leeg: Update sa Epidemiyolohiya, Dyagnosis, at  Paggamot (Head and Neck Squamous Cell Carcinoma: Update on Epidemiology, Diagnosis, and Treatment.) Marur S, Forastiere AA. Mayo Clinic Proceedings. 2016;91(3):386-96. doi:10.1016/j.mayocp.2015.12.017.

  6. Dyagnosis at Pamamahala ng Squamous Cell Carcinoma ng Hindi Matukoy ang Pinagmulan sa  Ulo at Leeg: Patnubay ng ASCO (Diagnosis and Management of Squamous Cell Carcinoma of Unknown Primary in the Head and Neck: ASCO Guideline.) Maghami E, Ismaila N, Alvarez A, et al. Journal of Clinical Oncology : Official Journal of the American Society of Clinical Oncology. 2020;38(22):2570-2596. doi:10.1200/JCO.20.00275.

  7. Patnubay na Pangangalaga ng American Cancer Society sa Cancer sa Ulo at Leeg  (American Cancer Society Head and Neck Cancer Survivorship Care Guideline.) Cohen EE, LaMonte SJ, Erb NL, et al. CA: A Cancer Journal for Clinicians. 2016;66(3):203-39. doi:10.3322/caac.21343.

  8. Patnubay sa Klinikal na Pagsasanay: Pagsusuri sa Bukol sa Leeg sa mga Nasa Hustong Gulang  (Clinical Practice Guideline: Evaluation of the Neck Mass in Adults.) Pynnonen MA, Gillespie MB, Roman B, et al. Otolaryngology–Head and Neck Surgery : Official Journal of American Academy of Otolaryngology-Head and Neck Surgery. 2017;157(2_suppl):S1-S30. doi:10.1177/0194599817722550.

  9. Mga Unang Sintomas sa mga Pasyenteng may HPV-Positive at HPV-Negative na Oropharyngeal  Cancer  (Initial Symptoms in Patients With HPV-Positive and HPV-Negative Oropharyngeal Cancer.)  McIlwain WR, Sood AJ, Nguyen SA, Day TA. JAMA Otolaryngology– Head & Neck Surgery. 2014;140(5):441-7. doi:10.1001/jamaoto.2014.141.

  10. Mga Cancer sa Ulo at Leeg (Head and Neck Cancers.) National Comprehensive Cancer Network Updated 2025-12-08