Pangkalahatang Tagubilin para sa Surgery

Makakatulong sa iyo ang impormasyong ito na maunawaan kung paano dapat maghanda para sa operasyon.

Paano ka maghahanda para sa operasyon?

Ang pagpapaopera ay puwedeng magdulot ng labis na stress. Makakatulong sa iyo ang impormasyong ito na maunawaan kung paano dapat maghanda. Puwedeng iiskedyul kang magpatingin sa anesthesia team para talakayin ang proseso ng pagpapatulog sa iyo (pangkalahatang anesthesia) para sa operasyon.

Paghahanda para sa operasyon

  • Tiyaking may maghahatid sa iyo pauwi.me. Ang anesthesia at gamot sa pananakit ay hindi ligtas sa pagmamaneho o pag-uwi nang mag-isa.
  • Alamin kung ano ang eksaktong operasyon na pinaplano, pati ang mga panganib, benepisyo, at iba pang opsyon. Kung mayroon ka pa ring mga tanong at wala kang follow up sa amin bago ang iyong operasyon, tawagan kami sa 628-206-1000 para makapag-set up kami ng oras para sagutin ang iyong mga tanong.
  • Sabihin sa iyong doktor ang LAHAT ng gamot, bitamina, supplement, at halagamg gamot na ginagamit mo. Puwedeng mapalaki ng ilan ang posibilidad mong magkaproblema sa panahon ng operasyon. Sasabihin sa iyo ng doktor kung kailangan mong ihinto ang alinman sa mga ito bago ang operasyon.
  • Kung umiinom ka ng gamot na pumipigil sa pamumuo ng dugo, puwedeng ipahinto ito ng doktor mo bago ang iyong operasyon. Kasama sa mga gamot na ito ang aspirin at iba pang pampalabnaw ng dugo. Tiyaking susundin mo nang mabuti ang mga tagubiling ito.
  • Tiyaking mayroon ang iyong doktor at ang ospital ng kopya ng iyong paunang direktiba. Dito malalaman ng ibang tao ang mga kagustuhan mo sa pangangalagang pangkalusugan. Mainam na mayroon nito bago ang anumang uri ng operasyon o procedure.

Sa araw bago ang operasyon

  • Makakatanggap ka ng tawag sa telepono sa araw bago ang operasyon mula 12pm hanggang 2pm sa gusto mong numero ng telepono, na magsasabi sa iyo kung anong oras ka dapat dumating para sa operasyon kinabukasan.
  • Kung HINDI ka makakatanggap ng tawag sa telepono bago lumipas ang 2pm sa araw bago ang operasyon, tumawag sa 628-206-8133 mula 3pm hanggang 5pm.

Ano ang nangyayari sa araw ng operasyon?

  • Sundin ang mga tagubilin tungkol sa kung kailan eksaktong ihihinto ang pagkain at pag-inom. Kung hindi mo iyon gagawin, puwedeng makansela ang iyong operasyon.
  • Kung sinabi sa iyo na inumin ang mga gamot mo sa araw ng operasyon, gawin ito nang umiinom ng kaunti lang na tubig.
  • Maligo o mag-shower bago ka pumunta para sa iyong operasyon.
  • Huwag maglagay ng lotion, perfume, deodorant, o nail polish.
  • Alisin ang lahat ng alahas at piercing. At mag-alis ng contact lens kung nagsusuot ka ng ganito.
  • Dumating sa sinabing oras.
  • Pumunta sa Building 25 para mag-check in.
    • Ididirekta ka ng front desk sa pupuntahan para sa pag-check in sa operasyon.
    • Kung walang tao sa front desk, pumunta sa mga elevator na nasa likod at kaliwa ng desk sa pag-check in.
    • Sumakay sa elevator pababa nang isang level papunta sa ground floor ‘G’ at pumunta sa room HG110. (Ito ang unang pinto na katapat na katapat ng mga elevator.)

Sa ospital o surgery center

  • Magdala ng picture ID.
  • Madalas ay minamarkahan ang bahagi para sa operasyon para matiyak na hindi magkakamali.
  • Marami kang makikilalang provider ng ospital na tutulong na alagaan ka.

Kailan ka dapat tumawag sa iyong doktor?

  • Mayroon kang mga tanong o alalahanin.
  • Hindi mo nauunawaan kung paano maghahanda para sa iyong operasyon.
  • Magkakasakit ka bago ang operasyon (gaya ng lagnat, trangkaso, o sipon).
  • Kailangan mong magbago ng iskedyul o nagbago ang isip mo tungkol sa operasyon.