Nandito kami para tumulong. Tumawag 628-206-8000
Kung bago ka sa Zuckerberg San Francisco General, magsimula rito. Gagawin namin ang aming makakaya para maituro ka sa tamang direksyon.
Nagbibigay kami ng nangungunang medikal na pangangalaga sa isang mapag-arugang lugar. Naglilingkod kami sa lahat ng taga-San Francisco, anuman ang kanilang kakayahang magbayad.
Maaari mong matutunan ang kung paano makarating dito, mahanap ang iyong daan, at makakuha ng tulong at suportang kailangan mo.
Nagkakaloob kami ng primera-klaseng pangangalaga para sa mga mamamayan ng San Francisco, anuman ang kakayahang magbayad o katayuang pang-imigrasyon.
Orihinal na Petsa: Disyembre 14, 2006
Mga petsa ng pagbago: Marso 8, 2007, Setyembre 12, 2007, Disyembre 14, 2007, Hunyo 22, 2008, Hunyo 1, 2009, Hulyo 15, 2009, Abril 1, 2011, Abril 1, 2012, Abril 1, 2014, Enero 1, 2015, Hulyo 15, 2016, Disyembre 1, 2017, Agosto 3, 2019, Enero 1, 2023, Enero 1, 2024, Mayo 22, 2024
Layunin ng patakarang ito na ilarawan ang mga alituntunin sa pinansyal na tulong at pagiging kwalipikado sa Programa sa Libreng Pangangalaga at May Diskwentong Bayad para sa San Francisco Health Network (SFHN) alinsunod sa mga probisyon ng Panukalang-batas ng Asembleya (AB) AB774, AB1020, AB532, at AB2297, at Panukalang-batas ng Senado (SB) SB1276.
Patakaran ng SFHN na sumunod sa lahat ng pederal, estado, at lokal na regulasyon na magbigay ng tulong pinansyal sa pamamagitan ng Programang Libreng Pangangalaga para sa mga kwalipikadong pasyente na natukoy na hindi karapat-dapat para sa mga programang pederal, estado at county at may mga account kung saan sila may utang para sa mga serbisyong natanggap, at sa pamamagitan ng Programang May Diskwentong Bayad para sa mga kwalipikadong pasyente na na-screen para sa mga pederal, estado, at mga serbisyo ng county. Kung ang anumang regulasyon, kasalukuyan o hinaharap, ay sumasalungat sa patakarang ito, papalitan ng regulasyon ang patakarang ito.
Sinasaklaw ng patakarang ito ang Zuckerberg San Francisco General Hospital and Trauma Center (ZSFG), Mga Specialty na Outpatient na Klinika, Klinika ng Pangunahing Pangangalaga sa Komunidad (Community Primary Care, CPC), Laguna Honda Hospital and Rehabilitation Center (LHH), Mga Serbisyo sa Kalusugan na Nauugnay sa Pag-uugali (Behavioral Health Services (BHS), at ang Dibisyon para sa Kalusugan ng Populasyon (Population Health Division, PHD) ng Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco (San Francisco Department of Public Health, SFDPH).Nalalapat ang patakarang ito sa mga serbisyong hindi kwalipikado para sa iba pang may diskwentong package o programa gaya ng package sa pagbubuntis ng ospital, package ng mga serbisyo sa pagpapalaglag, o iba pang package na programang ibinibigay sa mga pasyente sa isang pangkalahatang rate na may malalaking diskwento at mas mababa sa mga rate ng pamahalaan, at hindi napapatawan ng mga karagdagang diskwento. Isasaalang-alang ang lahat ng account kung saan may utang ang pasyente.
Hindi rin nalalapat ang patakarang ito sa bayad sa doktor para sa emergency, inpatient, radiology, at procedure room na sinisingil at sinasaklaw sa patakaran at pamamaraan ng University of California San Francisco (UCSF) Clinical Practice Group, Business Services/dba SFGH Medical Group. Ang isang pang-emergency na doktor, gaya ng inilalarawan sa Seksyon 127450 ng Kalusugan at Kaligtasan ng California, na nagbibigay ng mga pang-emergency na medikal na serbisyo sa isang ospital na nagbibigay ng pang-emergency na pangangalaga ay inaatasan din ng batas na magbigay ng diskwento sa mga pasyenteng walang insurance o may malalaking medikal na gastusin na nasa o wala pa sa 400% ng Limitasyon ng Kahirapan ayon sa Pederal (Federal Poverty Limit, FPL).
Nililimitahan din ng SFHN ang inaasahang pagbabayad para sa mga serbisyong ibinibigay nito sa mga pasyente sa o mas mababa sa 400% ng FPL, sa halaga ng pagbabayad na inaasahan ng ospital na matatanggap mula sa Medicare.
Tumawag sa 628 206 8000 para sa Pangkalahatang Impormasyon
Tumawag sa 911 para sa isang Medikal na Emergency
Accessibility ng Website