Septoplasty at Turbinate Reduction

Pagpapaluwag sa nasal passage

Ano ang operasyong ito?

Sa operasyong ito, binabago ang hugis ng anatomy ng iyong ilong para mas madaling makapasok ang hangin. Kasama rito ang pagdidiretso sa iyong septum (septoplasty) o pagpapalit sa iyong mga turbinate (ang normal na outpouching sa iyong ilong na puwedeng mamaga at makasagabal sa daloy ng hangin).

Kailan inirerekomendang magpaopera?

Puwedeng irekomenda ng doktor mo ang operasyong ito kung mayroon kang bara sa ilong na hindi nakokontrol ng mga nasal spray o iba pang gamot, kasama ang mga gamot sa allergy. May deviated na septum ang ilang pasyente, kaya napakanipis ng isang bahagi ng kanilang ilong. Napakalaki naman ng mga turbinate ng ilang pasyente dahil sa pamamaga. Puwede kang irekomenda sa isa o parehong procedure.

Ano ang dapat kong asahan sa operasyon?

Makakatanggap ka ng anesthesia para makatulog ka. Sa panahon ng operasyon, gagamit ang doktor ng mahabang camera (o “scope”) para makita ang loob ng iyong ilong. Pagkatapos, may mga gagamiting instrumento sa ilong mo para iwasto ang iyong anatomy nang walang anumang external na sugat. Sa ilong gagawin ang lahat ng dapat gawin, at hindi inaasahang maaapektuhan ang panlabas na hitsura ng iyong ilong. Maraming daluyan ng dugo sa ilong kaya karaniwang maraming madugong secretion na lumabas mula sa ilong mo at maramdaman mong barado ito pagkatapos. Kung minsan, maglalagay ng packing sa iyong ilong para makatulong sa paggaling.  Kung minsan, kailangan itong alisin sa klinika pagkatapos ng operasyon.

Ano ang mga panganib?

Ang pagdurugo at kaunting pananakit ay karaniwan lang pagkatapos ng operasyon. Puwedeng mag-iwan ng butas sa iyong septum ang operasyon sa septum mo. May posibilidad na hindi mapabuti ng procedure na ito ang lahat ng iyong sintomas. May posibilidad rin na magsugat ang loob ng iyong ilong na puwedeng magresulta sa bara o harang. Puwedeng dumugo ang ilong mo pagkatapos ng operasyong ito.

Ano ang dapat kong asahan pagkatapos ng operasyon?

Puwede kang umuwi sa parehong araw. Hihilingin sa iyo na gumamit ng nasal spray o rinse para mabilis itong gumaling. Dapat kang umiwas sa mga nakakapagod na aktibidad o pagbubuhat ng mabigat sa loob ng 1-2 linggo. Iiiskedyul ka para sa isang appointment sa klinika sa loob ng ilang linggo para makita ang kalagayan mo.