Mga Tagubilin sa GI Endoscopy ng ZSFG – Colonoscopy

Paano maghanda para sa iyong Colonoscopy

Pagpaparehistro:

Mag-check in sa main lobby ng building 25. Sumakay ng elevator papuntang floor G at pumasok sa room G1 (waiting room).

7 Araw Bago ang Procedure:

  • Ihinto ang pag-inom ng mga iron pill (ferrous sulfate).
  • Kunin ang medikasyon para sa bowel preparation (paghahanda ng bituka) mula sa parmasya (tumawag sa 628-206-8823 kung hindi kayo niresetahan ng medikasyon).

Mga Aspirin at Anti-Coagulan T na Medikasyon:

MALIBAN NA LANG KUNG MAY NAKA-CHECK NA KAHON SA IBABA, IPAGPATULOY ang pag-inom ng mga aspirin at anticoagulant na medikasyon ayon sa reseta.

  • Huminto sa pag-inom ng aspirin, ibuprofen, at naproxen 7 araw bago ang procedure.
  • Huminto sa pag-inom ng clopidogrel (Plavix) 7 araw bago ang procedure.
  • Huminto sa pag-inom ng warfarin (Coumadin) 5 araw bago ang procedure.
  • Huminto sa pag-inom ng rivaroxaban (Xarelto), apixaban (Eliquis) dabigatran (Pradaxa), o edoxaban (Savaysa) 2 araw bago ang procedure.
  • Huwag uminom ng enoxaparin (Lovenox) sa araw ng procedure.

Mga Karagdagang Medikasyon:

Inumin lang ang mga sumusunod na medikasyon para makatulong sa paghahanda sa colon (malaking bituka) kung may check ang mga kahon:

  • 14 araw bago ang procedure, simulang uminom ng polyethylene glycol dalawang beses araw-araw.
  • 2 araw bago ang procedure, simulang uminom ng bisacodyl dalawang beses araw-araw.

1 Araw Bago ang Procedure:

  • HUWAG KUMAIN ng anumang solid na pagkain, malalapot na liquid, gatas, o cream.
  • UMINOM NG MGA CLEAR LIQUID BUONG ARAW: tubig, sabaw, tsaa, apple juice, kape, soda.
  • Bandang 4-6PM:
    4L polyethylene glycol prep: Haluan ng tubig ang bowel preparation ayon sa mga tagubilin sa pakete. Inumin ang kalahati ng prep sa loob ng 2-4 na oras. Itabi ang natitirang kalahati para sa susunod na araw. Magpatuloy sa pag-inom ng mga clear liquid.
    Suprep: Ihalo ang isang bote sa kabuuang 16 oz gamit ang ibinigay na plastic na baso at inumin ito, kasunod ng dalawa o higit pang container na puno ng tubig. Magpatuloy sa pag-inom ng mga clear liquid.
  • Kung mayroon kayong diabetes: Inumin ang kalahati ng inyong mga gamot at/o kalahating dosis ng insulin.

Araw ng Procedure:

  • 6 na oras bago dumating: Inumin ang natitirang kalahati ng bowel preparation, ayon sa parehong mga tagubilin sa itaas.
  • Kung mayroon kayong diabetes: Huwag uminom ng mga gamot para sa diabetes o insulin ngayong araw.
  • INUMIN ANG LAHAT NG IBA PA NINYONG REGULAR NA MEDIKASYON maliban na lang kung sasabihan kayo na huwag inumin ang mga ito.
  • Ayos lang na uminom ng mga clear liquid hanggang sa 3 oras bago dumating.
  • Magpasama sa isang responsableng nasa hustong gulang para ihatid kayo pauwi (kung wala kayong maisasamang nasa hustong gulang pauwi, tumawag sa 628-206-0171 at puwede kaming mag-ayos ng masasakyan ninyo).

Ano ang Colonoscopy?

Susuriin ng doktor ang lining ng malaki ninyong bituka at rectum gamit ang isang flexible na tube na tinatawag na colonoscope. Ipapasok ang colonoscope sa puwit at dahan-dahan itong ipapasok sa colon. Kung may makikitang mga polyp o iba pang abnormalidad, puwedeng alisin ng doktor ang mga ito para sa karagdagang
eksaminasyon.

Para sa pinakamaganda at pinakatumpak na resulta, ganap dapat na malinis ang inyong colon. Kaya naman mahalaga na inumin ang lahat ng prep na gamot at sundin ang mga tagubilin sa diyeta.

Magplanong maglaan ng dalawa hanggang tatlong oras sa endoscopy center sa araw ng inyong colonoscopy. Kadalasan, umaabot nang humigit-kumulang 20-40 minuto bago makumpleto ang aktuwal na procedure.

Ano ang mangyayari bago ang colonoscopy?

  • Magpapalit kayo ng gown.
  • Kakabitan kayo ng nars ng intravenous (IV) line sa inyong kamay o braso.
  • Susuriin ang inyong medikal na history kaharap kayo, at bibigyan kayo ng mga form ng pahintulot para lagdaan.

Ano ang mangyayari habang isinasagawa colonoscopy?

  • Bibigyan kayo ng gamot sa pamamagitan ng IV line para tulungan kayong mag-relax at antukin.
  • Susubaybayan ang tibok ng inyong puso, presyon ng dugo, at antas ng oxygen.
  • Ipapasok ng doktor ang colonoscope sa inyong puwit at dahan-dahan niya itong itutulak papasok ng rectum at colon para maghanap ng mga abnormal na tissue o polyp.
  • Habang nasa procedure, puwede kayong makaramdam ng kaunting hilab. Normal lang ito.
  • Kung may makikitang mga abnormal na tissue o polyp, puwedeng alisin ng doktor ang mga ito gamit ang colonoscope para sa mas masusing eksaminasyon. Walang kirot ang pag-aalis ng tissue.

Ano ang mangyayari pagkatapos ng colonoscopy?

  • Kakausapin kayo ng nars tungkol sa mga resulta ng inyong colonoscopy.
  • Maghahanda ang doktor ng kumpletong ulat para sa doktor na nag-refer sa inyo para sa colonoscopy at bibigyan niya kayo ng kopya na iuuwi sa bahay.
  • Puwede kayong makaramdam ng hilab o kabag. Normal lang ito at mawawala rin kapag kayo ay umutot.
  • Dahil sa medikasyong ibibigay habang nasa colonoscopy, hindi kayo makakapagmaneho sa buong araw. Dapat kayong umiwas sa pag-inom ng alak sa loob ng 24 oras pagkatapos ng procedure. Bukod dito, makakabalik na kayo sa mga regular ninyong aktibidad at diyeta pagkatapos ng procedure.
  • Bibigyan kayo ng nars ng kumpletong tagubilin sa pag-discharge bago kayo umalis ng endoscopy center.

Kung kailangan ninyong kanselahin/i-reschedule ang inyong konsultasyon, o kung mayroon kayong anumang tanong, pakitawagan kami sa (628) 206-8823. Puwede kayong manood ng maikling video tungkol sa mga tagubiling ito sa.

This site is registered on wpml.org as a development site. Switch to a production site key to remove this banner.