Audiology

Espesyal na Pangangalaga na May Kaugnayan sa Tainga

Ang mga audiologist ay mga propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan na dalubhasa sa pagsusuri at paggamot ng pandinig, balanse, at iba pang mga sakit sa sistema ng tainga.

Mangangailangan ka ng referral sa pag-access sa mga serbisyo ng Otolaryngology at Audiology (ENT). Mangyaring makipag-ugnayan sa iyong primary care provider para sa referral.

Audiology Mga Lokasyon

Klinika ng Audiology

1001 Potrero Ave.
San Francisco CA 94110
Building 5 | 4th Floor, Suite 4J

Mga Oras

Lunes: 8:00 am - 5:00 pm
Martes: 8:00 am - 5:00 pm
Miyerkules: 8:00 am - 5:00 pm
Biyernes: 8:00 am - 5:00 pm

Tungkol sa Amin

Ang aming team ay binubuo ng napakahuhusay na Audiologist at resident. Tinatrato namin ang pagkawala ng pandinig, mga nauugnay na problema sa pandinig at kahinaan sa komunikasyon sa mga tao anuman ang edad Malapit na nakikipagtulungan ang klinika sa iba’t ibang espesyalista upang magbigay ng pinakamodernong pagsusuring dyagnostik at sa balanse para sa mga pasyenteng may anumang antas ng pagkawala ng pandinig o kahinaan sa komunikasyon.

Mga karaniwang kondisyong ginagamot ng mga Audiologist:

  • Pagkawala ng pandinig
  • Pagkahilo at mga problema sa balanse
  • Tinnitus at hyperacusis

Mga serbisyong ipinagkakaloob ng mga Audiologists:

  • Pagtatasa sa paggana ng middle ear
  • Mga komprehensibong pagsusuri sa panding
  • Vestibular testing o Pagsusuri sa panloob na bahagi ng tainga para sa sistema ng balanse
  • Acoustic reflexes testing o Pagsusuri sa pagtugon sa naririnig
  • Otoacoustic emissions testing o Pagsusuri sa mga tunog mula sa panloob na bahagi ng tainga