Gabriel Ortiz, MD, PhD May 25, 2024 Nakamit niya ang kanyang MS at BS noong 1996 mula sa Yale University sa Molecular Biophysics at Biochemistry. Nakamit niya ang kanyang MD, PhD noong 2004 mula sa Weill Cornell/Rockefeller/Sloan Kettering Tri-Institutional MD-PhD Program kung saan pinag-aralan niya ang mga tugon ng selula sa imunidad ng tao sa HIV. Kilalang-kilala si Dr. Ortiz sa nakararami sa atin sa ZSFG, na naglingkod mula pa noong nakaraang taon bilang inihalal na Pinuno ng mga Tauhan at mula pa noong 2018 bilang Medikal na Direktor para sa Medical/Surgical Care. Ang pangako ni Dr. Ortiz sa ZSFG ay nagsimula noong 2004 noong sumali siya bilang isang intern sa programang residency sa Internal na Medisina. Ibinahagi niya sa pangkat na tagapanayam na ang misyon ng ZSFG ang nakapukaw sa kanyang atensyon na magsanay sa UCSF, bilang unang henerasyong Latino na may motibasyong gumanti ng kabutihan sa mga komunidad na hindi lubusang napaglilingkuran. Kasunod nito, nagpatuloy siya sa Fellowship sa mga Nakakahawang Sakit at naglingkod bilang Punong Resident ng ZSFG sa Internal na Medisina. Sumali siya sa faculty bilang Klinikal na Instruktor para sa mga Nakakahawang Sakit noong 2008 at pagkatapos, bilang Katulong na Klinikal na Propesor ng Internal na Medisina sa Division of Hospital Medicine noong 2012 na may layuning gamitin ang kanyang mga kasanayan tungo sa pagpapabuti at paghahatid ng pangangalaga. Sa kabuuan ng kanyang karera, kinilala ni Dr. Ortiz ang kanyang sarili bilang lider na may maraming kakayahan, na may hawak na mahahalagang papel sa loob ng UCSF at sa San Francisco Department of Public Health. Bilang isang halimbawa, naglingkod siya bilang Epic Inpatient Domain Co-Leader mula pa noong 2019 noong nag-live kami sa Epic, na ginagalugad ang elektrokong rekord na pangkalusugan sa pamamagitan ng yugto ng pagpapatatag at pagpapahusay. Tinatampok ang kanyang pangako sa ating mga pangunahing pagpapahalaga, naglingkod siya bilang Medical School Bridges coach, kinilala nang may Faculty Award na Kahusayan sa Pagtuturo noong 2019 ng UCSF na nagtapos sa klase ng medikal na paaralan, at dalawang beses na ginawaran ng Values in Action Award ng Medical Executive Committee. Siya ay isang masigasig na Lean leader, na nakumpleto ang Lean Certification noong Abril 2014 at patuloy na ginagamit ang mga prinsipyo ng paggalang para sa mga tao at pinahuhusay ang kahalagahan ng kanyang gawaiin sa buong Department of Medical/Surgical care at sa kanyang papel bilang Pinuno ng mga Tauhan. Si Dr. Ortiz ay huwaran sa mga pagpapahalaga ng ZSFG na Kasiyahan sa Trabaho, Mapagmalasakit na Pangangalaga at Uhaw na Matuto.