Ang Cancer sa Website ng CDC
Kumuha ng higit pang impormasyon sa maraming paksang nauugnay sa cancer.
Kung bago ka sa Zuckerberg San Francisco General, magsimula rito. Gagawin namin ang aming makakaya para maituro ka sa tamang direksyon.
Nagbibigay kami ng nangungunang medikal na pangangalaga sa isang mapag-arugang lugar. Naglilingkod kami sa lahat ng taga-San Francisco, anuman ang kanilang kakayahang magbayad.
Maaari mong matutunan ang kung paano makarating dito, mahanap ang iyong daan, at makakuha ng tulong at suportang kailangan mo.
Nagkakaloob kami ng primera-klaseng pangangalaga para sa mga mamamayan ng San Francisco, anuman ang kakayahang magbayad o katayuang pang-imigrasyon.
Nagkakaloob kami ng kumpletong pangangalaga sa cancer na pinangungunahan ng aming team ng mga doktor sa UCSF. Nagkakaloob kami ng nagkokonsulta at nagpapatuloy na pangangalaga para sa iba’t ibang kalubhaan ng sakit sa dugo at mga solidong tumor.
Ang outpatient na Klinika ng Oncology ay pinatatakbo ng dalawang kalahating araw kada linggo (Martes at Miyerkules ng umaga) at ang mga tauhan ay isang team na mula sa maraming disiplina at kultura na kinabibilangan ng mga provider (faculty, klinikal na fellow, at nurse practitioner), nurse, social worker, phlebotomist, medikal na assistant, klinikal na parmasyutiko, receptionist, at tauhan para sa pagiging karapat-dapat.
Maaaring pumunta ang mga pasyente sa Oncology clinic upang masuri ng 5 araw/linggo.
Ang aming komprehensibong operasyon at paggamot sa suso at nagkakaloob ng pinakamahusay na paggamot at pangangalaga sa kalusugan ng suso.
Kaalaman, mga Mapagkukunan, at Edukasyon Tungkol sa Cancer
Idinisenyo ang C.A.R.E. Program upang tulungan ang aming mga pasyenteng may cancer na makakuha ng edukasyon, suporta, at tulong na kailangan sa panahon ng paggamot. Sa 6 na linggong seryeng ito, matututunan mo ang tungkol sa sakit, makakapagbahagi ng impormasyon sa ibang mga pasyente, at makakakuha ng mga magagamit na tip at istratehiya.
Ang dyagnosis na cancer ay binabago ang iyong buhay sa mga makapangyarihang paraan. Nais naming tiyakin na hindi mo ito pinagdadaanan nang mag-isa. Kada linggo, ang mga tagapangasiwa ng grupo at panauhing tagapagsalita ay gagabayan ang diskusyon at mga aktibidad.
Tulungan ang Tobacco Free Stop Smoking Program ng ZSFG na maisakatuparan ang layuning pangkomunidad nito para sa San Francisco na malaya sa sigarilyo – at maging malusog sa prosesong ito. Naghahandog kami ng mga libreng klase sa araw at sa gabi para sa Pagtigil sa Paninigarilyo.