HIV / AIDS

Nangunguna tayo sa mundo pagdating sa paggamot, pag-iwas, pananaliksik, at edukasyon sa HIV/AIDS mula pa noong 1983.

HIV / AIDS Mga Lokasyon

Mga Appointment sa Klinika para sa HIV/AIDS (Ward 86)

995 Potrero Avenue
San Francisco CA 94110
Building 80 | 6th Floor, Ward 86

Mga Oras

Sarado ang klinika mula 12 hanggang 12:45 p.m. araw-araw

Pagbisita nang Walang Appointment sa Urgent Care na Klinika para sa HIV/AIDS (Ward 86)

995 Potrero Avenue
San Francisco CA 94110
Building 80 | 6th Floor, Ward 86

Mga Oras

Lunes: 1:00 pm - 4:30 pm
Martes: 1:00 pm - 4:30 pm
Miyerkules: 1:00 pm - 4:30 pm
Huwebes: 1:00 pm - 4:30 pm
Biyernes: 1:00 pm - 4:30 pm

HIV Dermatology

995 Potrero Avenue
San Francisco CA 94110
Building 90 | Ward 86

Mga Oras

Lunes: 9:00 am - 12:00 pm, 1:00 pm - 5:00 pm
Miyerkules: 1:00 pm - 5:00 pm
Huwebes: 1:00 pm - 5:00 pm

Sa Unahan

Sa simula pa lamang ay narito na tayo, na nagbibigay ng mapagmalasakit at makabagong pangangalaga batay sa pangunahing prinsipyong “lahat ay nakikibahagi” at “pangangalaga para sa lahat”. Laganap sa kasalukuyan ang ating San Francisco Model sa buong mundo, na nagiging pamantayan sa pangangalaga sa HIV/AIDS.

Isang Komunidad ng Pangangalaga

Ang ating Rapid ART Program Initiative for HIV Diagnoses (RAPID) ay nagsisilbing lifeline na nag-uugnay ng ating mga pasyente sa mga sentro ng pangangalaga. Bumuo tayo ng pinagsamang modelo ng pangangalaga para sa HIV, kung saan ang mga organisasyong nakabase sa komunidad ay nagtatrabaho sa site upang tumulong sa pagkakaloob ng pangangalagang kailangan ng ating mga pasyente.

Ang Getting To Zero

Zero na bagong impeksyong HIV Zero na estigma at diskriminasyon sa HIV Zero na kamatayang nauugnay sa HIV.

Ang Getting to Zero San Francisco ay isang grupo ng 300+ indibidwal na miyembro at tagapagtaguyod ng komunidad, organisasyong nakabase sa komunidad, institusyong pang-edukasyon, katuwang sa industriya, ahensya ng pamahalaan, at provider – pampubliko at pribado – mula sa iba’t ibang disiplina na nagtutulungan upang maisakatuparan ang bisyon upang gawing unang hurisdiksyon ang Lungsod at County ng San Francisco na zero na bagong impeksyong HIV, zero na estigma ng HIV, at zero na kamatayang nauugnay sa HIV.

Gettingtozerologo2 Feature 1 1280x800Magkakasamang Itinatag noong 2014 nina:

  • Dr. Diane Havlir, Pinuno ng Division of HIV, Infectious Diseases and Global Medicine ZSFG/UCSF
  • Dr. Susan Buchbinder, Direktor ng Bridge HIV sa San Francisco Department of Health
  • Neil Giuliano (San Francisco AIDS Foundation)
  • Dana Van Gorder (Project Inform)
  • Jeff Sheehy (UCSF AIDS Research Institute)
  • Scott Wiener (Senador ng Estado ng California)

Ang mga layunin sa kabuuan ay upang:

  • Mapabuti ang kalusugan para sa mga indibidwal na nanganganib o nabubuhay na may HIV/AIDS sa San Francisco
  • Bumuo at magpatupad ng mga makabagong programa na may priyoridad na inilalagay sa ekidad at ipamalas ang epekto na may mga masusukat na layunin
  • Kumuha ng pagpopondo mula sa iba’t ibang sektor at suportahan ang mga kasalukuyan at bagong programa
  • Makipagpalitan ng pinakamahuhusay na gawain sa ibang mga lungsod

Ang panandaliang layunin ay upang mabawasan ang mga bagong pagkahawa ng HIV at pagkamatay na nauugnay sa HIV nang 90% hanggang 2025.

Ang Getting to Zero San Francisco ay may tatlong anggulong pamamaraan:

  1. Iwasan ang impeksyon sa pagpapalawak ng pre-exposure prophylaxis (PrEP) sa San Francisco
  2. Ihatid ng antiretroviral therapy nang mabilis hangga’t maaari sa mga bagong na-diagnose na pasyenteng nagkaroon ng impeksyong HIV at mga wala na sa pangangalaga
  3. Panatilihing nasa pangangalaga ang mga pasyente upang mapahaba ang kalusugan, kagalingan, at buhay

Ang estratehiyang Getting to Zero San Francisco para sa 2021-2025:

  • Maghatid ng mababang hadlang na mga serbisyo ng pag-iwas sa HIV, paggamot at pangkalahatang serbisyo sa mga taong nakakaranas ng kawalan ng tirahan
  • Tugunan ang kalusugan ng pag-iisip ng mga tumatandang taga-San Francisco na may HIV, kabilang ang mga matagal nang nakaligtas dito
  • Ipatupad ang pambuong-lungsod na DoxyPEP upang mapaigting ang pagbawas sa pangkabuuang mga bakteryal na STI.
  • Pakilusin at itaguyod ang nakabatay sa ebidensya na mga serbisyo ng pag-iwas na ma-overdose, kabilang ang mga lugar para sa ligtas na pagkonsumo, upang mabawasan ag mga impeksyon ng HIV at hepatitis at pagkamatay na dulot ng overdose.

Ang Getting to Zero San Francisco Consortium ay nakatuon sa pagbuwag ng rasismo at mga institusyonal na pagkiling sa mga sistema at gawain at muling pagtingin sa modelo ng pag-iwas at pangangalaga sa HIV na sumusuporta sa lahat ng taga-San Francisco.