Pagtanda

Ang ating mga pangangailangan sa pangangalagang pangkalusugan ay nagbabago habang tayo ay tumatanda. Mayroon kaming ilan sa mga nangungunang dalubhasa sa mundo sa pagiging at pananatiling malusog habang ikaw ay tumatanda.

Pagtanda Mga Lokasyon

Age-Friendly na Emergency Department

1001 Potrero Ave.
San Francisco CA 94110
Building 25 | First Floor

Mga Oras

Lunes: 9:00 am - 5:00 pm
Martes: 9:00 am - 5:00 pm
Miyerkules: 9:00 am - 5:00 pm
Huwebes: 9:00 am - 5:00 pm
Biyernes: 9:00 am - 5:00 pm

Klinika para sa Acute Care for Elders (ACE)

1001 Potrero Ave.
San Francisco CA 94110
Building 25 | 7th Floor

Mga Oras

Bukas ng 24/7

Maayos na Pagtanda

Marami pang mga taga-San Francisco ang nahaharap sa mga problemang pangkalusugan na nauugnay sa pagtanda. Karamihan sa naging paglaki ng populasyon ng lungsod mula pa noong 2000 ay nasa grupo ng edad na 50 at mahigit pa.

Nag-aalok kami ng maraming serbisyo upang tulungan ang matatandang manatiling malusog at aktibo. Kabilang sa aming pangangalaga ang mga regular na checkup, pangangalaga ng dalubhasa, mga paraan upang manatiling aktibi, at tulong sa malusog na pamumuhay. Sinusuportahan din namin ang mga pamilya habang pinangangalagaan nila ang matatandang mahal sa buhay.

Pangangalagang Nakasentro sa Pasyente

Ang aming pangkat ng mga dalubhasang doktor, counselor, at tagapagturo ay naghahatid ng pamamaraang holistiko at nakasentro sa pasyente sa pagtanda.

  • Ang mga doktor ng UCSF ay nagbibigay ng pinamakahusay na pangunahin at may espesyalidad na pangangalaga para sa matatanda
  • Mga libreng klase para sa nutrisyon, ehersisyo, at estilo ng pamumuhay
  • Mga malawakang programa ng rehabilitasyon at paggamot pagkatapos ng pagkakaospital

 

Pagbabalik sa Iyong Normal na Pamumuhay

Pokus sa Kalayaan
Simula 2007, ang aming yunit na Acute Care for Elders (ACE) ay ginagamit ang pamamaraang may iba’t ibang disiplina para sa mga naospital na matatanda. Nakatuon kami sa pagpapabuti ng paggana ng pangangatawan at pag-iisip upang ikaw ay makabalik sa iyong buhay sa komunidad.

Kapaligirang Mainam para sa Pagpapagaling
Ang yunit ng ACE na may 32 silid na may hardin sa bubong ay malawak, presko ang hangin, at napapalamutian ng magagandang bintanang yari sa makukulay na salamin ng kilalang alagad ng sining na si Alan Masaoka sa isang kapaligirang mainam para sa pagpapagaling. Sa bawat umaga, tinitingnan ang mga pasyente ng kanilang health care team – kabilang ang doktor, nars, occupational therapist, parmasyutiko, social worker – na nagpupulong at tinatalakay ang kanilang pangangalaga.

Pangangalaga sa iba’t ibang disiplina sa isang kapaligirang mainam para sa pagpapagaling

  • Maingat na pagsusuri ng gamot upang alisin ang mga hindi kinakailangang gamot
  • Mga paggamot na hindi ginagamitan ng gamot tulad ng ehersisyo, pakikisalamuha, at mabubuting gawi para sa maayos na pagtulog
  • Maagang pagpaplano para sa pag-uwi pagkalabas ng ospital