Nandito kami para tumulong. Tumawag 628-206-8000
Kung bago ka sa Zuckerberg San Francisco General, magsimula rito. Gagawin namin ang aming makakaya para maituro ka sa tamang direksyon.
Nagbibigay kami ng nangungunang medikal na pangangalaga sa isang mapag-arugang lugar. Naglilingkod kami sa lahat ng taga-San Francisco, anuman ang kanilang kakayahang magbayad.
Maaari mong matutunan ang kung paano makarating dito, mahanap ang iyong daan, at makakuha ng tulong at suportang kailangan mo.
Nagkakaloob kami ng primera-klaseng pangangalaga para sa mga mamamayan ng San Francisco, anuman ang kakayahang magbayad o katayuang pang-imigrasyon.
Pag-repair ng mga istruktura sa ilong
Ang nasal septorhinoplasty ay isang operasyong nagbabago sa hitsura ng iyong ilong at mas nagpapadali sa pagpasok ng hangin sa ilong. Kasama rito ang pagdidiretso sa iyong septum (septoplasty), pagpapaliit sa iyong mga turbinate (mga normal na outpouching sa ilong na puwedeng makasagabal sa ganap na pagpasok ng hangin), paglalagay ng mga graft para palakihin ang mga butas sa ilong mo, at/o pagbabago sa hugis ng mga buto sa iyong ilong.
Puwedeng irekomenda ng doktor ang operasyong ito kung gusto mong sabay na gamutin ang mga problema sa paghinga at baguhin ang hitsura ng iyong ilong.
Papatulugin ka sa operasyon. Puwedeng magpasok ang surgeon mo ng camera sa iyong ilong at gumawa siya ng mga hiwa sa mga butas ng ilong mo, o puwede siyang gumawa ng maliit na hiwa sa balat sa ilalim ng iyong ilong (sa gitna kung saan nagtatagpo ang mga butas ng iyong ilong) para makita ang mga istruktura ng iyong ilong sa ilalim ng balat mo. Pagkatapos ay ii-sculpt ng iyong surgeon ang buto at cartilage ng ilong mo sa gustong hugis at ididiretso ang iyong septum (ang gitna ng iyong ilong) para mas maluwag kang makahinga. Sa ilang sitwasyon, kukuha ang iyong surgeon ng tissue (cartilage) mula sa septum, tainga, o rib mo. Puwedeng mag-iwan ang iyong surgeon ng mga plastic splint o packing sa ilong mo at ng mga tahi sa balat ng ibaba ng ilong. Kung minsan, kailangang alisin ang packing at mga tahi pagkatapos ng operasyon sa klinika.
Kasama sa mga panganib ang impeksyon, pagpepeklat ng iyong ilong, pagdurugo ng ilong, butas sa septum, at tuluy-tuloy na baradong ilong. Sa ilang sitwasyon, puwedeng hindi ka masiyahan sa hitsura ng ilong mo at kailanganin mo ng iba pang procedure para maayos ito.
Puwede kang umuwi sa parehong araw. May ilang pasyenteng nagdurugo ang ilong ilang araw pagkatapos ng operasyon. Normal at nawawala rin pagkalipas ng 7-10 araw ang kaunting pagpapasa sa paligid ng mga bata at ang pamamaga ng ilong. Puwedeng mahirapan ka munang humingi sa iyong ilong, pero dadali rin ito sa katagalan habang nawawala ang pamamaga. Puwedeng pansamantala kang makaranas ng puffiness, pananakit ng ilong, o pananakit ng ulo. Puwedeng gumamit ang karamihan ng mga pasyente ng gamot sa pananakit sa loob ng 3-4 na araw, at puwede na silang bumalik sa trabaho humigit-kumulang 1 linggo pagkatapos ng operasyon. Kung nagsusuot ka ng salamin sa mata, posibleng kailanganin mo itong i-tape sa noo mo nang hanggang 4 na linggo dahil sa pamamaga.
Tumawag sa 628 206 8000 para sa Pangkalahatang Impormasyon
Tumawag sa 911 para sa isang Medikal na Emergency
Accessibility ng Website