Nandito kami para tumulong. Tumawag 628-206-8000
Kung bago ka sa Zuckerberg San Francisco General, magsimula rito. Gagawin namin ang aming makakaya para maituro ka sa tamang direksyon.
Nagbibigay kami ng nangungunang medikal na pangangalaga sa isang mapag-arugang lugar. Naglilingkod kami sa lahat ng taga-San Francisco, anuman ang kanilang kakayahang magbayad.
Maaari mong matutunan ang kung paano makarating dito, mahanap ang iyong daan, at makakuha ng tulong at suportang kailangan mo.
Nagkakaloob kami ng primera-klaseng pangangalaga para sa mga mamamayan ng San Francisco, anuman ang kakayahang magbayad o katayuang pang-imigrasyon.
Pag-adjust sa Palate para makatulong sa pagdaan ng hangin habang natutulog
May ilang iba’t ibang opsyon para sa paggamot sa bahahing ito. Uvulopalatopharyngoplasty, na nag-aalis sa tonsils, nagbabawas sa palate para tumaas ang arch nito, at nagbabawas o nag-aalis sa uvula. Expansion Pharyngoplasty, na nag-aalis sa tonsils at gumagamit ng mga tahi para mailipat ang kalamnan na nasa bandang gilid ng palate at lalamunan, na tinatawag na palatopharyngeus muscle, para maiusog ang palate nang paharap at palabas. Lateral Pharyngoplasty, kung saan ginagalaw ang mga kalamnan sa itaas ng bibig para bumuka ang paligid ng likod ng lalamunan. Tatalakayin ng iyong surgeon ang mismong operasyong pinaplano para sa iyo.
Inirerekomendang magpaopera ang mga taong may obstructive sleep apnea (OSA) na dulot ng sobrang tissue sa likod ng lalamunan, lalo na kapag hindi umeepekto o mabisa ang mga konserbatibong paggamot gaya ng mga pagbabago sa paraan ng pamumuhay at therapy sa pamamagitan ng tuluy-tuloy na positibong air pressure (continuous positive airway pressure, CPAP). Ang operasyon ay para sa mga pasyenteng dahil sa labis na soft palate tissue ang blockage kapag natutulog.
Papatulugin ka sa panahon ng procedure sa pamamagitan ng general anesthesia. Posibleng kailanganin mong magdamag na manatili sa ospital para sa obserbasyon.
Ang pinakamalaking panganib ay pagdurugo pagkatapos ng operasyon na puwedeng mangyari kaagad o isang linggo pagkatapos ng operasyon. Kung minsan, kailangan ulit ng operasyon para makontrol ang pagdurugo. Puwedeng mahirapan sa paglunok, pero bihira lang ito. Puwedeng magbago ang boses pagkatapos ng operasyon dahil binabago ang istruktura ng lalamunan. Kasama sa iba pang bihirang kumplikasyon ang pagkakaroon ng peklat, impeksyon, pinsala sa mga ngipin, kumplikasyong dulot ng anesthesia, pamamanhid ng lalamunan, o pagbabago ng panlasa.
Asahang labis na mamamaga ang iyong lalamunan pagkatapos ng operasyon. Kadalasan ay tumitindi ang pananakit pagkalipas ng 48 oras at tumatagal ito nang ilang araw. Puwedeng magkaroon ng pananakit sa tainga pagkatapos ng operasyon sa palate dahil sa pananakit sa lalamunan. Puwedeng mahirapan kang lumunok sa umpisa. Kung minsan, puwedeng may lumabas na pagkain sa iyong ilong, pero panandalian lang at mawawala din ito. Puwedeng magkaroon ng masamang amoy mula sa bibig o ilong sa loob ng 7-10 araw sa panahon ng pagpapagaling, at magkaroon ng puting patch sa dating lokasyon ng iyong tonsils. Ito ang normal na fibrin (scab) sa bahagi.
Tumawag sa 628 206 8000 para sa Pangkalahatang Impormasyon
Tumawag sa 911 para sa isang Medikal na Emergency
Accessibility ng Website