Nandito kami para tumulong. Tumawag 628-206-8000
Kung bago ka sa Zuckerberg San Francisco General, magsimula rito. Gagawin namin ang aming makakaya para maituro ka sa tamang direksyon.
Nagbibigay kami ng nangungunang medikal na pangangalaga sa isang mapag-arugang lugar. Naglilingkod kami sa lahat ng taga-San Francisco, anuman ang kanilang kakayahang magbayad.
Maaari mong matutunan ang kung paano makarating dito, mahanap ang iyong daan, at makakuha ng tulong at suportang kailangan mo.
Nagkakaloob kami ng primera-klaseng pangangalaga para sa mga mamamayan ng San Francisco, anuman ang kakayahang magbayad o katayuang pang-imigrasyon.
Pag-aalis ng 1 o higit pang parathyroid gland
Isa itong procedure kung saan inaalis ang isa o higit pang parathyroid gland. Makikita ang mga ito sa likod ng thyroid gland sa leeg. Kung minsan, tinitingnan din ng doktor ang lahat ng parathyroid gland para matiyak na hindi kailangang alisin din ang mga ito.
Kadalasan, titingnan ka ng isang endocrinologist para malaman kung masyadong aktibo ang iyong mga parathyroid gland at kung kailangan mong magpaopera. Nagdudulot ito ng maraming calcium na puwedeng magresulta sa mga mapang-abala at mapanganib na sintomas. Ang paggamot ay para alisin ang ilan sa o ang karamihan ng mga parathyroid gland. Inaalis din ang mga gland kapag may cancer sa mga ito.
Papatulugin ka sa panahon ng procedure. Gagawa ang surgeon ng maliit na incision sa harap ng iyong leeg para ma-access ang mga parathyroid gland. Kadalasan, hindi kailangan ng drain pero puwedeng gumamit nito kung kailangang tasahin at/o alisin ang iba pang istruktura sa iyong leeg para sa kaligtasan mo. Aalisin ang drain pagkalipas ng ilang araw.
Kasama sa mga puwedeng maging resulta ang pamamaos na puwedeng pansamantala lang o permanente, pagkaunti ng calcium, pangangailangan ng calcium at thyroid hormone replacement, pag-aalis ng thyroid tissue, at pagkakaroon ng peklat. Kung minsan, puwedeng magkaroon ng pagdurugo at hematoma (naipong dugo sa leeg) at posibleng kailanganin mong magpaopera para ma-drain ito.
Puwede nang umuwi ang karamihan ng mga pasyente pagkatapos ng operasyon pero depende sa iyong edad, kalusugan, at operasyon, puwedeng kailanganin mo hindi mo kailanganin na magdamag na manatili sa ospital. Kadalasan, maglalagay ng maliit na dressing sa ibabaw ng inoperahang bahagi na isinara sa pamamagitan ng tahi. Makakabalik ka sa trabaho sa loob ng 1-2 linggo. Kadalasan, mabilis lang gumaling mula sa operasyon at kaunti lang ang pananakit. Ang pinakakaraniwang reklamo pagkatapos ng operasyon ay pagkahapo, pananakit ng lalamunan, at pangkalahatang pamamaga, na karaniwang nawawala sa loob ng isa o dalawang linggo.
Tumawag sa 628 206 8000 para sa Pangkalahatang Impormasyon
Tumawag sa 911 para sa isang Medikal na Emergency
Accessibility ng Website