Nandito kami para tumulong. Tumawag 628-206-8000
Kung bago ka sa Zuckerberg San Francisco General, magsimula rito. Gagawin namin ang aming makakaya para maituro ka sa tamang direksyon.
Nagbibigay kami ng nangungunang medikal na pangangalaga sa isang mapag-arugang lugar. Naglilingkod kami sa lahat ng taga-San Francisco, anuman ang kanilang kakayahang magbayad.
Maaari mong matutunan ang kung paano makarating dito, mahanap ang iyong daan, at makakuha ng tulong at suportang kailangan mo.
Nagkakaloob kami ng primera-klaseng pangangalaga para sa mga mamamayan ng San Francisco, anuman ang kakayahang magbayad o katayuang pang-imigrasyon.
Pagsusuri sa harang sa daanan ng gangin
Ang endoscopy habang natutulog ay ginagamit para makita ang paggalaw ng iyong mga daanan ng hangin habang natutulog ka. Bibigyan ka ng anesthesia team ng gamot na pampatulog at magpapasok ang surgeon ng maliit na flexible na camera (o “scope”) sa iyong ilong papunta sa iyong lalamunan para suriin ang likod ng iyong ilong, lalamunan, at itaas na daanan ng hangin.
Puwede itong irekomenda ng iyong doktor kung nakakaranas ka ng mga sintomas ng obstructive sleep apnea (OSA). Ang OSA ay isang kundisyong puwedeng makaabala sa kalidad ng pagtulog pero puwede ring magdulot ng iba pang malalang problema sa kalusugan. Sa procedure na ito, magagawa ng iyong surgeon na suriin ang anumang karagdagang procedure o pamamagitan na makakatulong sa pagkontrol ng iyong mga sintomas.
Makakatanggap ka ng anesthesia na magpapatulog sa iyo. Pagkatapos, gigising ka sa lugar para sa pagpapagaling. Normal na antukin sa natitirang bahagi ng araw at maraming tao ang nagkakaroon ng pananakit ng lalamunan isang araw pagkatapos ng procedure.
Napakaligtas ng procedure na ito. Puwedeng bahagyang magdugo ang ilong ng mga pasyente dahil sa isang pinsala mula sa flexible na scope, pero bihira lang ito.
Puwede kang umuwi sa parehong araw. Nakakaramdam ng kaunting pananakit ang karamihan ng mga pasyente, at puwede nang bumalik sa mga normal na aktibidad (trabaho/paaralan/atbp) sa susunod na araw
Tumawag sa 628 206 8000 para sa Pangkalahatang Impormasyon
Tumawag sa 911 para sa isang Medikal na Emergency
Accessibility ng Website