Nandito kami para tumulong. Tumawag 628-206-8000
Kung bago ka sa Zuckerberg San Francisco General, magsimula rito. Gagawin namin ang aming makakaya para maituro ka sa tamang direksyon.
Nagbibigay kami ng nangungunang medikal na pangangalaga sa isang mapag-arugang lugar. Naglilingkod kami sa lahat ng taga-San Francisco, anuman ang kanilang kakayahang magbayad.
Maaari mong matutunan ang kung paano makarating dito, mahanap ang iyong daan, at makakuha ng tulong at suportang kailangan mo.
Nagkakaloob kami ng primera-klaseng pangangalaga para sa mga mamamayan ng San Francisco, anuman ang kakayahang magbayad o katayuang pang-imigrasyon.
Pag-aalis ng Thyroid gland
Ang thyroidectomy ay isang operasyon para alisin ang iyong thyroid gland. Hugis paru-paro ang gland na ito. Makikita ito sa windpipe (trachea). Ginagawa ng gland ang mga hormone na kumokontrol sa kung paano gumagawa at gumagamit ng enerhiya ang iyong katawan (metabolism).
Aalisin ng doktor ang gland kapag ito ay masyado nang malaki, hindi gumagana nang maayos, o may tumor. Kung minsan, buong thyroid gland ang inaalis ng doktor, habang sa ibang pagkakataon, kalahati lang ng thyroid gland ang inaalis.
Aalisin ng doktor ang thyroid sa pamamagitan ng paghiwa sa harap ng iyong leeg. Malamang ay lagyan ka ng tubo sa leeg, na tinatawag na drain, para maalis ang fluid sa hiwa. Madalas ay inaalis ang drain bago ka pauwiin.
Gaya ng tinalakay ng iyong doktor, may nerve malapit sa thyroid gland na kumokontrol sa iyong voice box. Kung minsan, napipinsala ang nerve na ito sa panahon ng operasyon, at puwede itong makaapekto sa pagsasalita at paglunok mo. Madalas ay pansamantala lang ito pero puwede itong maging permanente. Kakausapin ka ng iyong doktor pagkatapos ng operasyon kung may anumang pagkabahala na may pinsala, at puwede siyang magpasok ng camera sa iyong ilong para tingnan ang voice box mo. Mayroon ding 4 na maliit na gland malapit sa thyroid gland na tinatawag na mga parathyroid gland. Kinokontrol ng mga ito ang antas ng calcium sa iyong dugo. Kung minsan, puwedeng mapinsala ang mga ito sa panahon ng operasyon. Kapag nangyari ito, posibleng kailanganin mong uminom ng mga calcium supplement. Kung buong thyroid gland mo ang aalisin, posibleng kailanganin mo ring uminom ng gamot para sa thyroid.
Puwede kang umuwi sa parehong araw. O puwedeng kailanganin mong manatili ng isa o higit pang gabi sa ospital. Puwede kang bumalik sa trabaho o normal na routine mo sa loob ng 1 hanggang 2 linggo. Depende ito sa kung kailangan mo ng higit pang paggamot, at sa nararamdaman mo. Puwede rin itong dumepende sa uri ng iyong trabaho.
Regular na susuriin ng iyong doktor ang hiwa mo humigit-kumulang 1 linggo pagkatapos ng operasyon. Posibleng kailanganin mong ipaalis ang iyong mga tahi. Posibleng kailanganin mong uminom ng gamot para sa thyroid o karagdagang calcium. Kung mayroon kang cancer sa thyroid, posibleng kailanganin mo ng radioactive iodine therapy. Kakausapin ka ng iyong doktor tungkol sa susunod na mangyayari.
Tumawag sa 628 206 8000 para sa Pangkalahatang Impormasyon
Tumawag sa 911 para sa isang Medikal na Emergency
Accessibility ng Website