Nandito kami para tumulong. Tumawag 628-206-8000
Kung bago ka sa Zuckerberg San Francisco General, magsimula rito. Gagawin namin ang aming makakaya para maituro ka sa tamang direksyon.
Nagbibigay kami ng nangungunang medikal na pangangalaga sa isang mapag-arugang lugar. Naglilingkod kami sa lahat ng taga-San Francisco, anuman ang kanilang kakayahang magbayad.
Maaari mong matutunan ang kung paano makarating dito, mahanap ang iyong daan, at makakuha ng tulong at suportang kailangan mo.
Nagkakaloob kami ng primera-klaseng pangangalaga para sa mga mamamayan ng San Francisco, anuman ang kakayahang magbayad o katayuang pang-imigrasyon.
Pagsusuri sa itaas na daanan ng hangin
Isa itong procedure para matingnan o “masuri” ang larynx (voice box) at ang iba pang istruktura sa itaas na daanan ng hangin.
Bagama’t puwede naming gamitin ang flexible na scope para suriin ang iyong lalamunan at itaas na daanan ng hangin sa klinika, ang pinakamahusay na paraan para ganap na masuri ang anatomy ay habang natutulog ka sa panahon ng procedure na ito. Bukod pa rito, puwede kaming kumuha ng mga biopsy o mag-alis ng mga lesion sa mga vocal cord o lalamunan mo kung mayroon kang mga sintomas.
Makakatanggap ka ng anesthesia na magpapatuloy sa iyo. Gagamit ng equipment para masuri ang iyong bibig at ang likod ng lalamunan at mga vocal cord mo. Kung minsan, kumukuha kami ng maliit na sample ng tissue mula sa nasabing bahagi para ipadala para sa pathological na pagsusuri.
Napakaligtas ng procedure na ito. Kung magsasagawa ng biopsy, puwedeng bahagyang magbago ang iyong boses, at magkaroon ng kaunting pagdurugo. Dahil dumaraan ang equipment sa bibig, may posibilidad na mapinsala ang iyong mga ngipin, bibig, at lalamunan, pero bihira lang ito.
Puwede kang umuwi sa parehong araw. Sumasakit ang lalamunan ng karamihan ng mga pasyente, habang wala namang nararamdaman ang iba. Kung may aalising anumang biopsy o lesion, puwedeng magkaroon ng kaunting dugo sa iyong laway. Puwede nang bumalik ang karamihan ng mga pasyente sa kanilang regular na diyeta at mga routine na aktibidad pagkalipas ng ilang araw.
Tumawag sa 628 206 8000 para sa Pangkalahatang Impormasyon
Tumawag sa 911 para sa isang Medikal na Emergency
Accessibility ng Website