Tympanoplasty

Pag-repair ng butas sa iyong eardrum

Ano ang tympanoplasty?

Ang tympanoplasty (“tim-PAN-oh-plass-tee”) ay isang operasyon para ma-repair ang isang butas sa eardrum at/o masuri/maisaayos ang mga buto para sa pandinig sa iyong tainga.

Kailan inirerekomendang magpaopera?

Puwedeng irekomenda ng doktor na operahan ang isang butas sa iyong eardrum na hindi gumagaling at nagdudulot ng impeksyon o kung nahihirapan kang makarinig.

Ano ang dapat kong asahan sa operasyon?

Puwedeng gawin ang operasyon sa pamamagitan ng ear canal o paghiwa sa likod ng iyong likod. Puwedeng gamitin ng doktor ang tissue na kinuha sa paligid ng iyong tainga para ayusin ang eardrum mo, at tinatawag itong graft. Inilalagay ang mga graft na ito sa pamamagitan ng mga piraso ng naa-absorb na foam na nalulusaw sa loob ng 3-4 na linggo. Kung may hiniwa ang doktor sa likod ng iyong tainga, isasara ito sa pamamagitan ng pagtahi. Maraming salik, kasama ang laki ng butas, ang makakaapekto sa tagumpay ng operasyon, pero karamihan ng mga pasyente (humigit-kumulang 80%) ang nagkakaroon ng magagandang resulta mula sa operasyon. Madalas ay bumubuti ang pagdinig pagkatapos ng operasyon, pero posibleng hindi na ito kasinglinaw gaya ng dati.

Ano ang mga panganib?

Tulad sa lahat ng operasyon sa tainga, may mga kaakibat na panganib: Hindi pagsasara ng butas sa eardrum, Hindi paglinaw ng pandinig, Ganap o hindi ganap na pagkawala ng pandinig (1 hanggang 5 sa 100), Pinsala sa nerve na kumokontrol sa paggalaw ng iyong mukha (1 sa 1000), Mga pagbabago sa panlasa, Pagkakaroon ng cholesteatoma (na-trap na balat sa loob ng tainga) na kailangang operahan para maalis

Ano ang dapat kong asahan pagkatapos ng operasyon?

Malamang ay pauwiin ka rin sa mismong araw rin ng operasyon mo. Malamang ay lagyan ng pang-operasyong foam ang iyong tainga, kaya maramdaman mong may nakabara dito. Inaasahan ito. Huwag subukang alisin ang bara o i-pop ang iyong tainga sa pamamagitan ng pagsinga. Aalisin ang karamihan ng pang-operasyong foam sa pagpapatingin mo pagkatapos ng operasyon, at malulusaw ang ilan sa loob ng isang buwan. Dapat mong gawin ang ear drops gaya ng sinabi para hindi matuyo ang packing. Malamang ay kailanganin mong iwasang sumakay ng eroplano sa loob ng humigit-kumulang 6 na linggo at panatilihing tuyo ang tainga mo nang 3-6 na linggo.  Nakakabalik na ang karamihan ng mga tao sa kanilang trabaho o normal na routine sa loob ng humigit-kumulang 1 hanggang 2 linggo. Pero kung kailangan mong maging napakaaktibo o magbuhat ng mabigat sa iyong trabaho, posibleng kailanganin mong magpahinga nang 2 hanggang 4 na linggo.