Nandito kami para tumulong. Tumawag 628-206-8000
Ang isang abiso sa init ay may bisa para sa San Francisco. Para sa karagdagang impormasyon at mga mapagkukunan, mangyaring bisitahin ang sf72.org.
Kung bago ka sa Zuckerberg San Francisco General, magsimula rito. Gagawin namin ang aming makakaya para maituro ka sa tamang direksyon.
Nagbibigay kami ng nangungunang medikal na pangangalaga sa isang mapag-arugang lugar. Naglilingkod kami sa lahat ng taga-San Francisco, anuman ang kanilang kakayahang magbayad.
Maaari mong matutunan ang kung paano makarating dito, mahanap ang iyong daan, at makakuha ng tulong at suportang kailangan mo.
Nagkakaloob kami ng primera-klaseng pangangalaga para sa mga mamamayan ng San Francisco, anuman ang kakayahang magbayad o katayuang pang-imigrasyon.
Naghahandog kami ng mataas na kalidad, sensitibo, at kumpidensyal na mga serbisyo sa aborsyon at pagpaplano ng pamilya.
Nagkakaloob kami ng pangangalaga sa aborsyon sa una at pangalawa-pangatlong trimestre. Mayroon kaming mga serbisyong ultrasound at interpretasyon on-site. Nagkakaloob ang mga lubos na may kasanayang mga counselor ng pang-indibidwal na counseling bago ang mga procedure. Naghahandog din kami ng emosyonal na suporta sa panahon ng mga procedure.
Matatagpuan kami sa loob ng ospital para sa trauma, kaya ligtas kaming makakapangalaga para sa mga pinaka-medikal na nanganganib na pasyente. Naririyan ang aming mga may karanasang lisensyadong tauhan sa nursing sa panahon ng at pagkatapos ng lahat ng yugto ng mga procedure. Narito kami upang magkaloob ng pinakamataas na kalidad ng pangangalaga at suporta.
Inaalok sa mga pasyente ang counseling sa contraceptive sa lahat ng paraan ng birth control na makukuha sa kanilang pagbisita.
Bukod sa pagsasagawa ng klinikal na pananaliksik tungkol sa aborsyon at contraception, sinasanay namin ang mga lider sa hinaharap sa pagpaplano ng pamilya.