MyChart

Ang portal sa iyong mga rekord na pangkalusugan

Ang MyChart ay ang iyong portal ng pasyente. Ito ang ligtas na paraan para ma-access mo ang mga bahagi ng iyong mga rekord na pangkalusugan sa pamamagitan ng web browser o cell phone app.

Tungkol sa MyChart ng ZSFG

Ang lahat ng iyong impormasyong pangkalusugan sa iisang lugar

Tingnan ang iyong mga gamot, resulta ng pagsusuri, nalalapit na appointment, medikal na bayarin, tantiya ng gastos, at marami pa, ang lahat sa iisang lugar.

Ibahagi ang iyong medikal na rekord nang ligtas at may seguridad

Ibahagi ang iyong medikal na rekord sa sinumang nangangailangan nito. Karamihan sa iyong mga provider ng pangangalagang pangkalusugan ay makakakuha na ng impormasyon na kailangan nila, ngunit kung hindi, mayroon kang kapangyarihan na ibahagi ang iyong rekord sa kanila.

Agad na mag-iskedyul ng mga appointment at maghanap ng pangangalaga

Makakapagpa-appointment ka sa iyong kaginhawaan. Makukumpleto mo ang mga gawain bago bumisita mula sa tahanan.

Kumonekta sa isang doktor saan ka man naroroon.

Magpadala ng mensahe. Makakuha ng online na dyagnosis at paggamot. Harap-harapang makipag-usap sa video. Isaayos ang pag-follow up sa isang doktor sa personal, depende sa antas ng pangangalagang kailangan mo.

Dalhin ang iyong rekord na pangkalusugan, saan ka man pumunta

Ang iyong rekord ay available online o sa iyong telepono.

Mga Tip para Makapagsimula

Bago Ka Magsimula, Siguraduhing Mayroon Kang:

  • Gumaganang email address
  • Kasalukuyang address ng tirahan sa iyong medikal na rekord
  • Kung ginagamit mo ang MyChart app:
    • Telepono kung saan maida-download ang mga application
    • Alamin ang password ng iyong telepono sa iyong iCloud/Google account (kung kailangan)

Saan Mahahanap ang Iyong Activation Code:

  • Buod Pagkatapos ng Pagbisita
  • Liham ng Pag-enroll
  • Email Mula sa Iyong Klinika
  • Magtanong sa Tauhan ng Iyong Klinika

Magparehistro para sa MyChart upang manatiling nakakonekta sa iyong kalusugan.

Mag-sign Up Online

Pumunta sa Website ng MyChart sa MyChart.sfdph.org

Pumili ng isa sa mga opsyong ito:

  1. Mag-sign up gamit ang Activation Code.
    1. I-type ang activation code
    2. I-type ang iyong ZIP code at petsa ng kapanganakan
    3. Sundin ang mga instruksyon upang gumawa ng iyong account.
  2. Mag-sign up nang walang code.
    1. Beripikahin ang iyong pagkakakilanlan at i-set up ang iyong account sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang
  3. Mag-sign up gamit ang link na ipinadala sa pamamagitan ng email o text:
      1. I-clink ang link
      2. Gumawa ng username at password
      3. Ilagay ang petsa ng iyong kapanganakan
      4. I-click ang “Submit” (“Isumite) para tapusin ang pagpaparehistro.

I-click ang “Submit” (“Isumite) para tapusin ang pagpaparehistro.

Mag-sign Up Gamit ang App

  1. I-download ang MyChart App:
    1. Gamitin ang App Store para sa iPhone o Google Play para sa Android
  2. Buksan ang App:
    1. Sumang-ayon sa mga Tuntunin at Kondisyon
  3. Hanapin ang organisasyon:
    1. I-type ang “San Francisco Public Health”
    2. I-click ang “Sign Up Now” (“Mag-sign Up Ngayon”)
  4. Piliin ang:
    1. Gamitin ang Activation Code
    2. Mag-sign Up nang Walang Code
  5. Kumpletuhin ang Pag-set-up:
    1. Ilagay ang iyong impormasyon
    2. Gumawa ng iyong username at password
    3. Sundin ang mga prompt upang makumpleto ang pag-set up.
Istock 1496492722 Aspect Ratio 1105 1034

Mga Kapakinabangan ng MyChart

Ang MyChart ay isang LIBRE at ligtas na online tool na nagbibigay sa iyo ng access sa impormasyon tungkol sa iyong kalusugan sa anumang oras, mula sa iyong telepono o computer.

  • Pribado
  • Madaling gamitin
  • Magagamit nang 24/7
  • Tingnan ang mga resulta ng pagsusuri
  • Ipa-refill ang mga gamot
  • Magpadala ng mga mensahe sa iyong care team
  • Gumawa o baguhin ang mga appointment
  • I-access ang mga rekord para sa anak o mahal sa buhay (proxy access)

Nahihirapang Mag-log in??

Nakalimutan ang mga detalye sa pag-log in sa iyong MyChart?
  • Pumunta sa login page ng MyChart
  • I-click ang “Forgot login information” (“Nakalimutan ang impormasyon sa pag-log in”)
  • Piliin ang alinman sa “I forgot my username” (“nakalimutan ko ang aking username”) o “forgot my password” (“nakalimutan ang aking password”)
  • Sundin ang mga prompt at tingnan ang iyong email para sa link upang i-reset ang iyong impormasyon sa pag-log in

Kailangan ng Higit pang Tulong?

Tawagan ang MyChart Help Desk:

(628) 206-2200
Lunes-Biyernes, 8 AM-5 PM

Makipag-ugnayan sa Medical Records:

(628) 206-8622
Lunes-Biyernes, 8 AM-4 PM
Building 5, Floor 2, Room 2B1

Karagdagang Suporta:

Huwag mag-atubiling humingi ng tulong sa tauhan sa iyong susunod na sa-personal na pagbisita.