Nandito kami para tumulong. Tumawag 628-206-8000
Kung bago ka sa Zuckerberg San Francisco General, magsimula rito. Gagawin namin ang aming makakaya para maituro ka sa tamang direksyon.
Nagbibigay kami ng nangungunang medikal na pangangalaga sa isang mapag-arugang lugar. Naglilingkod kami sa lahat ng taga-San Francisco, anuman ang kanilang kakayahang magbayad.
Maaari mong matutunan ang kung paano makarating dito, mahanap ang iyong daan, at makakuha ng tulong at suportang kailangan mo.
Nagkakaloob kami ng primera-klaseng pangangalaga para sa mga mamamayan ng San Francisco, anuman ang kakayahang magbayad o katayuang pang-imigrasyon.
Posisyon ng mga tube para sa tainga
Kailangan sa operasyon na gumawa ng maliit na hiwa sa ear drum at maglagay ng maliit na tube kung saan makakadaloy ang fluid nang palabas sa ear canal. Madalas ay kusang naaalis ang tube para sa tainga sa loob ng 12-24 na buwan.
Puwedeng ma-trap ang fluid sa likod ng eardrum at magdulot ng impeksyon o pressure sa tainga sa ilang pagkakataon. Mas karaniwan ito sa mga bata pero puwede rin itong mangyari sa mga nasa hustong gulang. Puwede itong ma-diagnose sa pamamagitan ng eksaminasyon ng doktor o pagsusuri sa pagdinig. Kung hindi mawawala ang fluid, puwede kaming magrekomenda ng tube. Puwede rin kaming maglagay ng tube kung hindi magpe-pressurize nang maayos ang iyong ear drum, o kung may negatibong pressure sa tainga mo dahil sa isang bagay na tinatawag na eustachian tube dysfunction.
Puwedeng gawin sa mga nasa hustong gulang ang procedure na ito nang may pamamanhid sa klinika habang sila ay may malay. Madalas ay kinakailangan ng mga bata ng anesthesia para magawa ang procedure habang natutulog sila sa operating room. Isinagawa ang procedure sa ear canal gamit ang isang microscope at madalas ay inaabot ito nang 10-15 minuto.
Napakaligtas ng procedure. Sa ilang sitwasyon, puwedeng hindi kusang maalis ang tube para sa tainga at kailanganin ng karagdagang procedure para maalis ang tube. Kung minsan, puwedeng may maiwang permanenteng butas sa ear drum pagkatapos malaglag ang tube, na puwedeng i-repair sa operating room. May kaunting posibilidad na magkaroon ng cyst sa buto na tinatawag na cholesteatoma. Dapat mong sabihin sa iyong doktor kung magkakaroon ka ng drainage sa tainga, pananakit, pagbabago sa pandinig, o iba pang sintomas sa tainga sa hinaharap.
Puwede ka nang umuwi pagkatapos ng procedure. Puwedeng dumugo nang kaunti ang iyong tainga pagkatapos na pagkatapos ng procedure. Puwede nang bumalik ang karamihan ng mga pasyente sa kanilang mga routine na aktibidad pagkalipas ng ilang araw. Titingnan ka namin sa klinika para suriin ang tube para sa tainga at ang iyong mga sintomas sa loob ng ilang linggo. Puwede kang maglangoy at maligo nang may mga tube para sa tainga kung gagamit ka ng mga earplug.
Tumawag sa 628 206 8000 para sa Pangkalahatang Impormasyon
Tumawag sa 911 para sa isang Medikal na Emergency
Accessibility ng Website