Nandito kami para tumulong. Tumawag 628-206-8000
Kung bago ka sa Zuckerberg San Francisco General, magsimula rito. Gagawin namin ang aming makakaya para maituro ka sa tamang direksyon.
Nagbibigay kami ng nangungunang medikal na pangangalaga sa isang mapag-arugang lugar. Naglilingkod kami sa lahat ng taga-San Francisco, anuman ang kanilang kakayahang magbayad.
Maaari mong matutunan ang kung paano makarating dito, mahanap ang iyong daan, at makakuha ng tulong at suportang kailangan mo.
Nagkakaloob kami ng primera-klaseng pangangalaga para sa mga mamamayan ng San Francisco, anuman ang kakayahang magbayad o katayuang pang-imigrasyon.
Pag-aalis ng Parotid gland
Ang parotidectomy ay ang pag-aalis sa lahat o ilang bahagi ng parotid gland. Makikita ang gland na ito sa ibaba ng tainga. Dito nagmumula ang laway. Pumapasok ang laway sa bibig sa pamamagitan ng tube (duct) malapit sa mga ngipin sa likod.
Maraming dahilan para alisin ang gland, gaya ng pagpepeklat o tumor. Benign, ang ibig sabihin ay hindi cancer, ang karamihan ng mga tumor na tumutubo sa parotid gland; kakailanganin itong kumpirmahin sa pamamagitan ng pagsusuri sa lesion sa ilalim ng microscope.
Papatulugin ka sa panahon ng operasyon. Aalisin ng doktor ang gland sa pamamagitan ng paghiwa sa iyong leeg at sa harap ng iyong tainga. Puwede kang lagyan ng tube na tinatawag na drain sa likod ng iyong tainga. Ito ay para lumabas ang fluid mula sa hiwa. Aalisin ito ng iyong doktor ilang araw pagkatapos ng operasyon.
Ang nerve na kumokontrol sa paggalaw ng iyong mukha (nerve sa mukha) ay nagta-travel sa pamamagitan ng parotid gland. May posibilidad na mapinsala ang mga nerve na iyon sa panahon ng operasyon, na puwedeng magresulta sa panghihina ng iba’t ibang bahagi ng iyong mukha. Puwedeng maging pansamantala o permanente ang panghihinang ito. May ginagamit na monitor sa panahon ng operasyon para sa nerve sa mukha. Kung may pinsala sa nerve, kakausapin ka ng iyong doktor pagkatapos ng kaso tungkol sa mga susunod na opsyon. Posible ring pansamantala o permanenteng mamanhid ang bahagi sa paligid ng iyong tainga o mukha. Sa ilang pagkakataon naman, puwedeng magpawis ang mukha ng ilang tao habang kumakain o puwedeng makaramdam sila ng pananakit habang ngumunguya.
Puwede kang umuwi sa parehong araw o i-admit nang isa o dalawang araw. Sasabihin sa iyo ng doktor mo kung kailangan mong bumalik pagkatapos alisin ang mga tahi.
Puwede ka nang makabalik sa trabaho o normal na routine mo pagkalipas ng ilang linggo. Dedepende ang tagal sa ilang bagay, gaya ng kung gaano karaming tissue ang inalis, gaano kabilis kang makakabawi, at sa uri ng trabaho mo.
Tumawag sa 628 206 8000 para sa Pangkalahatang Impormasyon
Tumawag sa 911 para sa isang Medikal na Emergency
Accessibility ng Website