Pangangalaga sa Emergency

Zsfg Ed AmbulanceKami ang natatanging Level 1 Trauma Center sa mga county ng San Francisco at Northern San Mateo. Mayroon kaming makabagong emergency at urgent care upang matugunan ang lahat ng agarang medikal na pangangailangan.

Pangangalaga sa Emergency Mga Lokasyon

Emergency Department

1001 Potrero Ave.
San Francisco CA 94110
Building 25 | 1st floor

Mga Oras

Bukas ng 24/7

Age-Friendly na Emergency Department

1001 Potrero Ave.
San Francisco CA 94110
Building 25 | First Floor

Mga Oras

Lunes: 9:00 am - 5:00 pm
Martes: 9:00 am - 5:00 pm
Miyerkules: 9:00 am - 5:00 pm
Huwebes: 9:00 am - 5:00 pm
Biyernes: 9:00 am - 5:00 pm

 

Ano ang Aasahan sa Departamento para sa Emergency (ED)

Maaaring hindi inaasahan at isang nakakatakot na karanasan ang pagpunta sa Departamento para sa Emergency (Emergency Department, ED. Gagawin namin ang aming makakaya para gawing komportable ang iyong pagpunta hangga’t maaari. Narito ang ilang impormasyon para matulungan kang malaman kung ano ang aasahan sa iyong pagpapatingin.

Dsc 6072

Bakit Ako Naghihintay

Kung masama ang pakiramdam mo habang naghihintay kang masuri, mangyaring ipaalam kaagad sa miyembro ng mga tauhan ng triage.

Ito ang ilang karaniwang dahilan sa mas mahabang oras ng paghihintay:

 

  • Unang titingnan ang mga pasyenteng may pinakamalubhang kondisyon kahit na huli silang dumating kaysa sa iyo.
  • Maaaring naghihintay ang iyong clinician at/o nars para sa iyong mga resulta sa pagsusuri.
  • Maaaring nag-iiskedyul ang iyong clinician ng higit pang pagsusuri, nag-uutos ng mga imaging scan, o tinatalakay ang iyong kaso sa isang espesyalista.
  • Inihahanda ang iyong mga gamot ng isa sa aming mga parmasyutiko.
  • Pagiging available ng kama sa ospital.

Mahahalagang impormasyon

  • Hindi sinusuri ang mga pasyente ayon sa pagkakasunud-sunod ng kanilang pagdating sa ED. Sa lahat ng oras, inuuna namin ang mga pasyente ayon sa kung gaano kalubha ang kanilang mga kondisyon.
  • Mangyaring huwag magdala ng mahahalagang bagay sa ED. Kung magdadala ka, mangyaring ipatago muna ito sa kaanak o kaibigan habang ginagamot ka.
  • Available ang mga interpreter nang 24/7 nang walang bayad.
  • Available ang mga tagapayo sa pananalapi sa pamamagitan ng appointment sa sinumang maaaring mangailangan ng tulong.

Ang Proseso ng Emergency Department

Step 1

Triage

  • Susuriin ng isang miyembro ng mga tauhan ng triage ang iyong mga vital sign, tatanungin ka tungkol sa iyong mga sintomas, at tatasahin ang iyong kondisyon.
  • Unang titingnan ang mga pasyenteng may pinakamalubhang kondisyon.
  • Maaari kang direktang dalhin sa isang silid sa ED o hilingin na maghintay sa silid-hintayan.
 

Step 2

Pagpaparehistro

  • Hihilingin sa iyo ng isang miyembro ng mga tauhan ang iyong pagkakakilanlan at demograpiko.
  • Hindi mo kailangang magkaroon ng insurance sa kalusugan para mapangalagaan.
 

Step 3

Lugar ng Paggamot

  • Dadalhin ka sa ED para sa iyong pagpapatingin.
  • Maaari kang maghintay sa isang silid o pasilyo, at maaari kang hilingin na lumipat.
 

Step 4

Pagsusuri ng Clinician

  • Pagkatapos ay susuriin ka ng mga clinician na eksperto sa Gamot na Pang-emergency.
  • Tatasahin, ida-diagnose, at gagamutin nila ang iyong kasalukuyang medikal na kondisyon.
  • Magkakaroon ka rin ng nars na itatalaga sa iyo.
 

Step 5

Pagsusuri

  • Maaaring mag-utos ang clinician ng mga pagsusuri para makatulong sa pag-diagnose o paggamot sa iyong kondisyon.
  • Kailangan ng oras para makuha ng iyong clinician ang mga resulta ng pagsusuri at suriin ang mga ito.
  • Maaapektuhan nito ang haba ng panahon ng paghihintay mo sa loob ng ED.
 

Step 6

Paggamot

  • Tatalakayin ng clinician ang mga susunod na hakbang sa iyong pangangalaga.
  • Kung puwede ka nang umuwi nang ligtas, susuriin ng isang miyembro ng team ang mga tagubilin kasama mo at sisiguraduhing nauunawaan mo kung paano pangalagaan ang iyong sarili.
 

Step 7

Iyong Feedback

Gusto naming marinig ang tungkol sa iyong karanasan at pinahahalagahan namin ang iyong saloobin. Makakatanggap ka ng email, tawag sa telepono, o mensahe sa text na may mga tanong tungkol sa iyong karanasan sa ED. Sasabihin sa amin ng iyong tugon kung ano ang ginagawa naming tama at kung ano ang kailangan naming gawin para maging mas mabuti.