Website ng CDC – Cancer sa Suso
Impormasyon tungkol sa Cancer sa Suso mula sa Centers for Disease Control and Prevention.
Kung bago ka sa Zuckerberg San Francisco General, magsimula rito. Gagawin namin ang aming makakaya para maituro ka sa tamang direksyon.
Nagbibigay kami ng nangungunang medikal na pangangalaga sa isang mapag-arugang lugar. Naglilingkod kami sa lahat ng taga-San Francisco, anuman ang kanilang kakayahang magbayad.
Maaari mong matutunan ang kung paano makarating dito, mahanap ang iyong daan, at makakuha ng tulong at suportang kailangan mo.
Nagkakaloob kami ng primera-klaseng pangangalaga para sa mga mamamayan ng San Francisco, anuman ang kakayahang magbayad o katayuang pang-imigrasyon.
Mga kumpletong serbisyo sa cancer sa suso na nagkakaloob ng primera klaseng imaging sa suso, dyagnostik na ebalwasyon, at edukasyon ng pasyente.
Ang Avon Breast Imaging Center ay nakatuon sa pagkakaloob sa mga pasyenteng may mataas na kalidad na mga serbisyo ng mammography. Mayroon kaming primera klaseng digital na kagamitan. Ang aming kapaligiran ay naaangkop sa kultura at nagsasalita kami ng maraming wika. Ang lahat ay partikular na idinisenyo para sa iyong kaginhawaan.
Ang Accreditation ng American College of Radiology (ACR) ay makakatulong sa iyong matiyak na nagkakaloob kami ng pinakamataas na antas ng kalidad ng larawan at kaligtasan. Tinitiyak ng ACR na natutugunan ng aming pasilidad ang mga kinakailangan para sa kagamitan, medikal na tauhan, at pagtitiyak ng kalidad.
ACR na mga Accreditation sa 4 na larangan:
Kami ang itinalagang BICOE (Breast Imaging Center of Excellence).
Ang aming pakikipag-ugnayan para sa mobile mammography na “MammoVan” ay dinadala sa daan ang screening para sa cancer sa suso patungo sa mga pangkomunidad na klinika sa palibot ng San Francisco.
“Parang nagkaroon ako ng isa pang pamilya rito. Ang pagkakaroon ng kakayahang kumonekta sa nangyayari sa emosyon, pati na rin sa pangangatawan, ay nakagawa ng malaking pagkakaiba sa aking paggaling.”