Mga Serbisyo para sa Refugee
Pangangalaga para sa mga Refugee at Humanitarian na Imigrante
Naghahandog kami ng mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan sa pamamagitan ng Newcomers Health Program. Matatagpuan ito sa Family Health Center. Nagkakaloob kami ng mga screening na pangkalusugan at serbisyong sumusuporta sa mga bagong dating na refugee.
Mga Serbisyo para sa Refugee Mga Lokasyon
Newcomers Health Program
Tungkol sa mga Serbisyo ng ZSFG sa Refugee
Pinaglilingkuran namin ang mga nasa hustong gulang at pamilya sa lahat ng edad na naninirahan sa mga county ng San Francisco, San Mateo, at Marin sa mga sumusunod na proteksyong pantao na iginagawad ng pamahalaan ng U.S.:
- Refugee
- Asylee
- Mga Humanitarian Parolee
- Espesyal na Visa para sa Imigrante
- Biktima ng Trafficking / T-Visa
Tumutulong kami sa paggalugad ng coverage sa kalusugan at pagkakaloob ng mga medikal na screening kabilang ang mga pagsusuri sa katawan, pagsusuri ng laboratoryo kabilang ang screening para sa tuberkulosis (TB), mga bakuna, paggamot, at mga referral sa mga espesyalista.
Kung hindi ka pa rin binibigyan ng status ng pamahalaan ng U.S., maaari ka pa ring tumanggap ng suporta. Punan ang form na New Immigrant and Asylum Seeker Health Services (Mga Serbisyong Pangkalusgan sa Bagong Imigrante at Humihingi ng Asylum, ASHS) at makikipag-ugnayan sa iyo ang aming pangkat.
Mga Serbisyo para sa Refugee, Immigrant, at Asylee
- Mga Pagtatasa sa Kalusugan
- Mga Pagtatasa sa Kalusugan ng Pag-iisip
- Edukasyong Pangkalusugan
- Medikal na Interpreting (sa Family Health Center)
- Mga Referral sa mga Serbisyong Medikal at Panlipunan
- Mga Link sa mga Serbisyong may Espesyalidad at Nagpapatuloy na Pangangalagang Pangkalusugan
Makipag-ugnayan sa amin
Mayroong 3 paraan para makipag-ugnayan sa amin:
- Tumawag sa 628-206-8608
- Email: newcomers.health@sfdph.org
- Punan ang Form ng Referral para sa Pagsusuri ng Kalusugan ng Refugee
Programa ng Kalusugan para sa mga Bagong Dating
Mayroong Espesyal na Suporta
Ang mga refugee at iba pang mga humanitarian na imigrante ay karapat-dapat para sa espesyal na pangangalagang pangkalusugan. Naghahandog din kami ng iba pang mga serbisyong sumusuporta para sa paninirahang mabuti sa kalusugan at matagumpay.
Programa ng Pagtatasa ng Kalusugan ng Refugee at Asylee
Ang Refugee and Asylee Health Assessment Program ay nagkakaloob ng mga komprehensibong pagtatasa sa kalusugan na naaangkop sa kultura at wika sa mga bagong dating na refugee, asylee, sinertipikahan ng pederal na pamahalaan na biktima ng malulubhang uri ng trafficking, at iba pang mga karapat-dapat na pumasok sa bansa. Nakatuon ang programa sa screening ng at pag-iwas sa mga nakakahawang sakit; maagang pagtukoy at dyagnosis ng mga kronikong sakit at iba pang mahahalagang kondisyon; pagtatasa sa katayuan ng bakuna para sa mga bata at nasa hustong gulang; screening sa kalusugan ng pag-iisip; at referral sa mga provider ng kalusugan para sa higit pang medikal na ebalwasyon, paggamot, at follow-up.
Mga kapakinabangan ng pagkuna ng Pagtatasa sa Kalusugan ng Refugee
- Gumawa ng rekord na pangkalusugan sa U.S.
- Magpatingin sa doktor na may karanasan sa pakikipagtulungan sa mga refugee, at makipagtulungan sa mga kwalipikadong interpreter
- Alamin ang tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng kalusugan at anumang mga kondisyon ng kalusugan
- Tumanggap ng paggamot, mga gamot, at pangangalagang pangkalusugan na pang-iwas sa sakit
- Tumanggap ng mga referral sa mga espesyalista sa kalusugan ng pag-iisip at mga sumusuportang grupo
- Tumanggap ng mga bakuna upang manatiling malusog, at makakatulong iyon sa aplikasyon para sa legal na permanenteng paninirahan o “green card”
Mga Oryentasyon sa Bagong Asylee
(Sa pakikipagtulungan sa Office o Refugee Health ng CA Department of Public Health)
Mga buwanang virtual na oryentasyon para sa mga indibidwal na binigyan ng asylum kamakailan sa Hilagang California. Tatalakayin sa oryentasyon ang mahahalagang benepisyog may limitasyon sa panahon na maaaring makuha ng mga asylee.
Ang libre at live na oryentasyon ay nagbibigay ng mahalagang impormasyon sa:
- Iyong karapatan sa trabaho
- Insurance na pangkalusugan at pangangalagang pangkalusugan
- Pera at mga benepisyong pagkain
- Sistema ng edukasyon sa U.S.
- Imigrasyon at iba pang mga legal na isyu tulad ng muling pagsasama ng pamilya, paglalakbay at kung paanong manatiling nasa tamang daan upang baguhin ang status tungo sa legal na permanenteng paninirahan.
- Mga link sa pakikipag-ugnayan sa mga ahensya ng pamahalaan
- Iba pang mga nakakatulong na mapagkukunan
Upang magparehistro para sa oryentasyon, kumpletuhin ang form ng pagpaparehistro para sa Oryentasyon ng Bagong Asylee.
Kakailanganin mong ilagay ang numero ng iyong mobile na telepono o email upang matanggap ang link sa pagpaparehistro.
“Masinsin ang lahat ng impormasyon [iprinisinta]. Gustong-gusto ko ang impormasyon tungkol sa numero ng Social Security. Sa ngalan ng
aking buong pamilya, nagpapasalamat ako sa iyo sa panahong ibinigay ninyo sa pagbibigay sa amin ng kaalaman.”
Sinasalita Namin ang Iyong Wika
- Ingles
- Espanyol
- Mongolian
- Ruso