Mga Patnubay sa Pagbisita

Ang mga patnubay sa pagbisita sa ibaba ay naaangkop sa lahat ng bisita kabilang ang, at hindi limitado sa: Lungsod at County ng SF, UCSF, at unang tagaresponde / mga tauhan na pang-emerhensya, boluntaryo, at estudyante.

Narito kami upang paglingkuran ka sa mga paraan na higit pa sa medikal na paggamot ang ginagawa.
Ang aming team ay gumagawa ng mga partikular na pag-iingat upang mapanatili ka at ang iyong mahal sa buhay na ligtas habang nasa ZSFG.

Upang mapanatiling ligtas ang lahat, lubos na hinihikayat ang pagsusuot ng mask para sa lahat ng pasyente at bisita. Kailangan ang mask para sa mga tauhan na nagkakaloob ng pangangalaga sa mga pasyente. Maaaring magbago ang mga restriksyong ito depende sa mga pangangailangan sa kalusugan at kagalingan ng ating komunidad.

Mga Pangkalahatang Patnubay

  • Kung mayroon kang lagnat, ubo, masakit na lalamunan, pagsusuka, pagtatae, o pakiramdam na hindi maayos, mangyaring maghintay hanggang sa bumuti ang iyong pakiramdam bago bumisita.
  • Ang ZSFG ay isang ospital na walang droga at usok. Huwag magdala o gumamit ng droga, alak, o tabako kahit saan sa loob ng kampus.
  • Ang ZSFG ay isa ring ospital na walang armas. Dadaan ka sa isang weapons detector kapag papasok sa mga gusali.
  • Maaaring i-check ang iyong mga bag. Kung mayroon kang armas, kukunin ito ng SF Sheriff’s Department.
  • Mangyaring maging tahimik at magalang sa iyong pagbisita. Palaging sundin ang mga direksyon mula sa mga kawani ng ospital.
  • Kung ikaw ay wala pang 16 taong gulang, dapat kang sumama sa isang nasa hustong gulang.
  • Ang mga alituntuning ito ay maaaring magbago, kaya tingnan ang mga update kapag bumisita ka.
  • Maaaring hilingin sa iyong umalis kung hindi mo susundin ang mga alituntuning ito. Maaaring hilingin sa iyo ng aming mga kawani na maghintay upang bumisita kung ang pasyente ay nangangailangan ng espesyal na pangangalaga.

Pagtitiyak ng Matagumpay na Pagbisita

Narito ang kung paano mo gagawing matagumpay ang iyong pagbisita sa ZSFG:
  • Mag-check in sa istasyon ng nurse.
  • Hindi ka pinahihintulutang manatili sa mga pampublikong espasyo (iyon ay, mga pasilyo, lobby o waiting room).
  • Maging magalang sa kapaligiran ng pagpapagaling.
  • Magtatapos ang pagbisita sa oras na magwakas ang appointment ng pasyente.
  • Mangyaring sundin ang mga patnubay sa pagsusuot ng mask sa ibaba

Salamat sa pagsunod sa aming mga kinakailangan para sa bisita.

Mga Patnubay sa Pagsusuot ng Mask (mula Mayo 1, 2024)

Kailangang Magsuot ng Mask

  • Kapag nagsasagawa ng mga direktang aktibidad ng pangangalaga sa pasyente
  • Kapag nasa silid ng pasyente o malapit sa mga pasyente sa isang klinikal na kapaligiran

Lubos na hinihikayat ang pagsusuot ng mask ngunit Opsyonal ito

  • Kapag nasa mga klinikal na lugar kung saan hindi nangyayari ang direktang pakikipag-ugnayan sa pasyente, hal. mga team room o istasyon ng nurse.

Opsyonal na Pagsusuot ng Mask

  • Kung sa tingin ng provider at pasyente ay makakasagabal sa pangangalaga ng pasyente (hal., kapag mahalaga para sa pasyente na makita ang mukha/bibig ng miyembro ng mga tauhan, para makarinig/makapagsalita, kahirapan sa pag-uugali, o iba pang mga sitwasyon)

Lubos na hinihikayat ang pagsusuot ng mask ngunit Opsyonal ito

  • Kapag nasa mga espasyong pinaglalagian ng lahat sa mga klinikal na lugar, hal. mga pasilyo/elevator

 

Lubos na hinihikayat ang pagsusuot ng mask ngunit Opsyonal ito

  • Kapag nasa mga waiting room

Opsyonal na Pagsusuot ng Mask

  • Kapag nasa mga exam room (maliban sa pagkakaroon ng mga sintomas na panrespiratoryo)

 

Lubos na hinihikayat ang pagsusuot ng mask ngunit Opsyonal ito

  • Ito ay nasa pagpapasya ng pasyente at bumibisita

 

Pagbisita at Screening

Kakailanganin ng lahat ng pasyente na mag-check in sa lobby at magprisinta ng ID na may litrato at i-screen ang sarili bago pumunta sa ospital. Kailangang isuot ng “badge ng bisita” nang nakikita habang bumibisita.

Mga Oras ng Pagbisita: Lahat ng Oras
1-2 bisita sa isang pagkakataon

Mga Oras ng Pagbisita: Lahat ng Oras
Limitado sa 4 na bisita sa isang pagkakataon

Mga Oras ng Pagbisita: 10:00 AM – 8:00 PM
Ang bilang ng mga bisita na maaaring dalhin ng isang pasyente ay depende sa laki ng silid, kondisyon ng pasyente, at sa pagpapasya ng mga kawani ng ospital.

Maaaring may 1 taong kasama ang mga pasyente sa mga appointment. Maaaring makipag-ugnayan ang mga pasyente sa klinika kung higit sa 1 tao ang pupunta sa appointment kasama nila.

Sa pamamagitan ng appointment lamang.

Mga Oras ng Pagbisita: 10:00 AM – 8:00 PM
Limitado sa 2 bisita sa isang pagkakataon

Mga pasyenteng nasa hustong gulang: 1 bisita
Pediatrics: 2 bisita
Hindi pinapayagan ang mga alagang hayop o service animal.

Mga Oras ng Pagbisita: Lahat ng Oras
Ang bilang ng mga bisitang maaaring dalhin ng isang pasyente ay depende sa laki ng silid, kondisyon ng pasyente, at sa pagpapasya ng mga kawani ng ospital.

Mga Oras ng Pagbisita: Lahat ng Oras
Limitado sa 2 bisita sa isang pagkakataon

Suporta sa Pasyente at Mahal sa Buhay

Suporta sa Pasyente at Mahal sa Buhay

Nauunawaan namin ang kahalagahan ng mga koneksyon sa lipunan at paggaling. Upang manatiling nakakonekta sa iyong mahal sa buhay, mayroon kaming mga nakatakdang programa ng suporta. Para sa mga katanungan, tawagan ang Office of Patient Experience (Tanggapan para sa Karanasan ng Pasyente) sa 628-206-5176.

Mga Sulat ng Paggaling at Panghihikayat para sa mga Pasyente

Kung gusto mong padalhan ng sulat o litrato ang pasyente na maipapaskil sa kanyang silid, sisiguraduhin naming makakarating ito sa mahal mo sa buhay. Mangyaring magpadala ng litrato o sulat bilang email sa dph-patientexperience@sfdph.org at isama ang iyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan kasama ang pangalan ng pasyente.

Espirituwal na Pangangalaga

Narito kami para sa iyo at sa mahal mo sa buhay sa mga panahong ito ng emosyonal na stress. Mangyaring ipaalam sa miyembro ng team para sa pangangalagang pangkalusugan kung ikaw at/o ang pasyente ay nagnanais ng tawag sa telepono na mula sa aming team ng espirituwal na pangangalaga.

Cafeteria

Sarado ang Cafeteria sa komunidad. Ang mga bisita ng pasyente ay pinahihintulutang kumuha ng pagkain bagaman walang mauupuan sa cafeteria. Matatagpuan ang Cafeteria sa aming Main Building 5, ika-2 Palapag.

Lunes – Biyernes

  • Almusal 6:30 a.m. – 9:30 a.m.
  • Tanghalian 10:30 a.m. – 2:00 p.m.
  • Hapunan 4:30 p.m. – 7:00 p.m.

Sabado at Linggo

  • Almusal 6:30 a.m. – 9:30 a.m.
  • Tanghalian 11:00 a.m. – 1:30 p.m.
  • Hapunan 4:30 p.m. – 7:00 p.m.